ONLINE REGISTRATION SA NATIONAL ID ‘DI MA-ACCESS?

0

MARAMING natanggap na reklamo ang PUNA sa online registration ng National Identification ng Philippine Statistics Authority (PSA).

Nitong nakaraang Abril 30, 2021, Biyernes ay inilunsad ng PSA ang online registration para sa Philippine Identification System (PhilSys).

Marami ang sumubok dahil gusto nilang magkaroon ng national ID dahil nabubuwisit na sila na tuwing may transaksyon sila sa iba’t ibang tanggapan lalo na sa gobyerno ay dalawang government issued ID ang hinihingi sa kanila.

Buti man lang sana kung pagkapirma nila ng form ay makukuha nila agad ang kanilang ID.

Siyam-siyam ang kanilang inaabot bago sila magkaroon ng gov’t issued ID.

Tulad na lamang ng SSS ID, bago ka ma-isyuhan ay kailangan ka muna magpresenta ng authenticated birth certificate.

Balik po tayo sa National ID System, hindi po maintindihan ng mga tao kung ano ang ginawa ng gobyerno bakit hindi sila maka-access.

Kung hindi ma-access ang system, bakit nila inilunsad ito? Papogi lang ba ito?

Bakit nangyari yan PSA? Hindi nyo po ba ito pinag-aralan muna bago nyo inilunsad?

Narito ang bahagi ng paalalala ng PSA Philippine Identification System:

Alam mo bang makukuha mo ang digital National ID mo in three easy steps?

ALAMIN kung paano makapagrehistro sa Philippine System (PhilSys).

Step 1: Pagkolekta ng demographic information at appointment-setting for Step 2 gamit ang online registration portal na magbubukas ngayong Abril 2021.

Dito kukunin ang sumusunod na impormasyon:

-Name
-Sex
-Date of Birth
-Place of Birth
-Blood Type
-Address

At iba pang optional information tulad ng marital status, cell phone number at email address.

Pagkatapos mag-input ng kailangang impormasyon, maaari na ring kayong mag-set ng appointment para sa Step 2 sa ยญregistration center malapit sa inyong lugar.

Step 2: Pagkuha ng biometric information, tulad ng fingerprint, iris scan, at front-facing photograph at validation ng supporting documents.

Ang hakbang na ito ay gaganapin sa registration center na inyong pinili mula sa Step 1 registration. Huwag kalimutang dalhin ang inyong transaction number para sa hakbang na ito!

At ang Step 3: Issuance ng PhilSys Number (PSN at PhilID)

Ang inyong PSN at PhilID ay ide-deliver ng PHLPost sa inyong tahanan! Paalala lang po na huwag i-post sa social media ang inyong PhilID dahil ito ay naglalaman ng inyong personal na impormasyon.

Kung mayroon concern o tanong, maaaring sumangguni sa mga sumusunod na feedback channels:

Email:info@philsys.gov.ph

Facebook:m.me/PSAPhilSysOfficial

Hotline: 1388 (fees may ยญapply).

Naniniwala po ang PUNA na maganda ang layunin ng ยญgobyerno sa pagsusulong ng National ID kaya nga lang sana magkaroon sila ng information campaign kung paano makaka-access sa kanilang system.

Kung hindi nila ito gagawin ay aabutin na naman ng maraming taon bago makakuha ng National ID ang mahigit sa isang daang milyong populasyon ng Pilipinas.

Isa pang problema ang mabagal na koneksyon ng internet sa bansa.

Konting pagkakamali lang ay muli na namang uulitin ng aplikante ang kanilang pag-apply ng National ID.

Suhestiyon ng PUNA sa PSA, pag-aralan muna nilang mabuti kung paano gagawin na mas madaling ma-access ang kanilang system ng mga aplikante.

oOo

Para sa suhestiyon at reaksyon mag-email joel2amongo@yahoo.com at operarioj45@gmail.com o kaya magtext sa 0956-951-00-57.

 
"COMMENT DISCLAIMER: Reader comments posted on this Web site are not in any way endorsed by SAKSI NGAYON. Comments are views by saksingayon.com readers who exercise their right to free expression and they do not necessarily represent or reflect the position or viewpoint of saksingayon.com. While reserving this publicationโ€™s right to delete comments that are deemed offensive, indecent or inconsistent with SAKSI NGAYON editorial standards, SAKSI NGAYON may not be held liable for any false information posted by readers in this comments section."

Related posts

Leave a Comment