SINAKSIHAN mismo ni Navotas Rep. John Rey Tiangco ang ginawang Fluoride Varnish Treatment para sa mga batang Navoteño na isinagawa ng City Health Office at Colgate-Palmolive Philippines.
‘Mahalaga po ang pag-iingat sa oral health ng ating mga anak. ‘Pag walang problema sa kanilang ngipin, mas nakakapag-focus sila sa pag-aaral at nai-enjoy nila ang kanilang araw.
Dagdag pa niya: ‘Pangalagaan po natin ang kanilang kalusugan sa pamamagitan ng pagsiguro na sapat ang oras ng kanilang tulog, kumakain sila ng masusustansyang pagkain at nag-i-enjoy sila sa kanilang ginagawa.’
Gandang Lola at Astig na Lolo
Siniguro rin ni Cong. JRT na lagi n’yang nakakadaupang-palad ang elderly sa lungsod kaya naman nanguna s’ya sa pag-congratulate sa mga nanalo at naging bahagi ng Gandang Lola at Astig na Lolo 2019.
‘Wala talagang kupas ang ganda at kisig ng ating senior citizens! Malaki ang ambag ng ating mga nakatatanda sa pag-unlad ng ating lungsod. Nararapat lamang na bigyan natin sila ng pagkilala at pagpapahalaga.’
Maraming programa ang lungsod para sa mga elderly at lagi silang prayoridad nito.
Contactless transactions sa QC gov’t
Kung tutuusin matagal na dapat pero kung ngayo’y isinusulong ng administrasyon ni QC Mayor Joy Belmonte na i-automate at i-digitize ang system upang maging contactless ang transaksyon sa city hall, eh malaking bagay ito pero dapat ‘di ningas-cogon. Pero knowing her, t’yak mangyayari ito.
Sa State-of-the-City Address, kanyang ipinahayag ang drastic measures at reporma na nais n’yang ma-implement lalo sa Business Processing and Licensing Department dahil, aniya, walang red tape sa kanyang administrasyon. Dapat hindi nakararanas ng hirap at sa halip ay ginhawa para sa taxpayers. (Early Warning / ARLIE O. CALALO)
312