PAGGAMIT NG COCO PRODUCTS GRASYA SA MGA MAGNINIYOG

PUNA

SAKALING matuloy ang executive order na naglalayong tangkilikin ng mga Filipino ang iba’t ibang produkto ng niyog, laking pasalamat tiyak ng coconut farmers kay Pangulong Rodrigo Duterte dahil grasya ito sa kanila at siyempre sa ­ating bansa.

Milyun-milyong mga Pinoy ang umaasa sa kita ng niyog, mula Laguna, Batangas, Quezon, Bicol at kabuuan ng Kabisayaan at Mindanao.

Siyempre kapag nagawa na ni Pangulong Duterte ang EO dadami ang gagamit ng mga produkto mula sa niyog at kasabay nito ang pagtaas ng presyo nito sa merkado kaya’t ang niyog at buko ay magtatas din ang presyo pati na ang copra.

Sabi nga ng isang anak ng magniniyog, eh ‘di wow!

Para sa kaalaman ng ating mambabasa ang copra ay mula sa niyog na pinaiinitan o niluluto bago ibenta sa mga negosyante (traders).    Kadalasan ang bawat kilo ay nagkakaha-laga lamang ng P7 at kung minsan ay mas mababa pa na dumedepende sa pagkakaluto nito.

Ang ipinagtataka lang ng mga magsasaka ng niyog ay kung bakit sobrang bababa ang presyo ng ­copra sa kabila ng napakaraming nagagawa nito.

Kasama sa mga nagagawa ng copra ay sabon, first class coconut virgin oil, sangkap sa tinapay, candy, ­mamahaling pabangong Victoria’s Secret at marami pang iba.

Kaya nga ang niyog ay tinawag na ‘tree of life’ dahil halos lahat mula sa puno nito, dahon, balat, bunga, katas ay napakikibangan ng tao.

Duda tuloy ng mga magsasaka ng niyog iniipit lang ng traders ang ­presyuhan kaya hindi tumataas ang bawat kilo ng copra.

Sana makalkal ito at mawala ang mga mapagsamantalang negosyante na ang kanilang mga biktima ay mga malilit na magniniyog.

Ayon sa source ng PUNA, napag-usapan daw sa cabinet meeting dahil inirekomenda ni  Philippine Coconut ­Authority (PCA) Administrator Benjie Madrigal kay Department of ­Agriculture (DA) Sec. ­William Dar ang pagbibigay ng pansin sa niyog at ang paggawa ng batas para rito at isasama ang coco methyl ester (CME) content sa biodiesel ­products upang mas lalong kumita ang produksyon ng niyog.

Sana matuloy ito at maibsan naman na ang matagal nang panghihi-ngalo ng milyong magsasaka ng niyog sa buong bansa.  Pag nagkataon ay lalong dadaming mga Pinoy ang magtitiwala kay Pangulong Duterte dahil ramdam niya ang kalam ng sikmura ng mga magsasaka ng niyog.

Sabagay dahil bisaya naman si Pangulong Duterte alam niyo kung gaano kababa ang presyo ng bawat kilo ng copra sa Visayas at Mindanao.

Abangan na lang po natin ang mga susunod na kabanata.

oOo

Para sa suhestiyon at reaksyon mag-email ­joel2amongo@yahoo.com at operarioj45@gmail.com.

171

Related posts

Leave a Comment