PAGGAMIT NG VCO SA COVID PABOR SA MAGNINIYOG

Kung matutuloy ang paggamit ng Coconut Virgin Oil (VCO) para sa COVID-19 ay milyong magsasaka ng niyog mula sa Bicol Region, Visayas hanggang Mindanao ang makikinabang nito.

Sa mga lugar na ito, ang kanilang kabuhayan ay nagmumula sa puno ng niyog na tinaguriang ‘tree of life’.

Bakit tinawag itong ‘tree of life’? Halos lahat kasi mula sa puno ng niyog ay napapakinabangan.

Mula sa kanyang bunga, nagmumula ang langis, pagkain (buko), tinapay, candies, copra, sabon, pabango, uling mula sa bao, katas ng bulaklak ay nagiging tuba (alak).

Sa dahon naman nagmumula ang gamit na pang-atip ng bahay, walis ting ting, puno na ginagawang coco lumber at marami pang iba.

Sa kabila ng napakaraming produkto na nagmumula dito ay nananatili pa rin pinakamahihirap na sektor ng mga magsasaka ay nagmumula sa mga magniniyog.

Sa mga lugar na ito kung saan napakaraming mga nakatanim na niyog ay walang mga pabrika na nagpoproseso ng mga nasabing mga produtko mula sa tinatawag na ‘tree of life’.

Walang ibang inaasahan ang magniniyog kundi ang ­pagluluto lamang ng copra dahil wala naman silang kakayanan na makagawa ng iba.

Ang copra ay raw material para sa pagproseso ng ibat-ibang produkto na tulad ng langis (lana), tinapay, candies, sabon, pabango at marami pang iba.

Kaya ngayon umaasa ang milyong magniniyog na malaking tulong sa kanila kung matutuloy ang paggamit ng VCO para sa mga pasyente ng COVID-19.

Kamakailan inanunsyo ni Department of Science and Technology (DOST) Sec. Fortunato Dela Pena na isinailalim sa trials sa coronavirus patients sa Philippine General Hospital (PGH) ang VCO.

Base daw kasi sa pag-aaral ang tao na umiinom ng VCO ay lumalakas ang kanyang immune system kung kayat nagkakaroon siya ng anti-bodies.

Kaya naman lalakas ang kanyang katawan at unti-unti siyang makakarekober laban sa coronavirus.

Marahil makabawi na ang magniniyog mula sa Bicol Region, Visayas at Mindanao.

Sabi nga nila, baka sa pagkakataong ito ay ‘mamantikaan’ na ang kanilang mga labi (lips).

Ibig sabihin nila baka ito na ang panahon na makabili na sila ng masasarap na ulam.

Para po sa hindi ­nakakaalam sa parte ng Bicol Region, Visayas at Mindanao ay halos lahat ng kabundukan sa mga lugar na ito ay makikita ang mga nakatanim na malalawak na mga niyog.

Kung matutuloy ang planong paggamit ng VCO para sa mga pasyente ng Covid ay hindi na kailangan magtungo pa sa Metro Manila ang mga tao mula sa Bicol Region, Visayas at Mindanao para makipagsapalaran.

Siyempre nga naman sa dami ng gagamit ng VCO na pasyente ng COVID-19 ay ­siguradong tataas na ang ­presyo ng bawat piraso ng niyog.

Ang makikinabang dito ay mula sa Bicol Region, Visayas at Mindanao na kung saan matatagpuan ang mga pinakamaraming puno ng niyog.

Ang magiging papel na lamang ng mga negosyante at gobyerno ay magtayo ng mga prossesing plant sa paggawa ng VCO.

Hindi lang mga magsasaka ang mabibigyan dito maging ang mamamayan ng mga lugar na yan dahil maraming trabaho ang malilikha nito.

Kaya ang pakiusap ng mga magniniyog kay Sec. Dela Pena ipursige niya ang planong ito.

Sasabayan daw nila ng mga panalangin para maging mabisa ang VCO laban sa COVID-19.

Dalangin din ng PUNA na maging maganda ang resulta ng trials sa VCO para tuluyan nang magamit sa COVID-19.

Siyempre hangad din natin na sana malagpasan na natin ang pagsubok na ito na nilikha ng coronavirus.

Basta kapit lang tayo, manalangin at makiisa sa giyera sa kalaban na hindi natin nakikita.

Sa awa ni Lord sa atin ay lilipas din ang krisis na ito.

oOo

Para sa suhestiyon at reaksyon mag-email ­joel2amongo@yahoo.com at operarioj45@gmail.com.

112

Related posts

Leave a Comment