TARGET NI KA REX CAYANONG
TULOY-TULOY ang pag-iikot ng mga tauhan ng Office of the Vice President (OVP) sa mga probinsya para mamahagi ng tulong.
Pinangungunahan ito Vice President at Department of Education Sec. Inday Sara Duterte.
“Ipinaabot ko sa ating mga Barangay Health Workers (BHWs) ang aking mataas na respeto at personal na pasasalamat sa kanilang taos-pusong pagsusumikap at dedikasyon upang matiyak ang mabuting kalusugan ng mga tao sa mga komunidad, lalo na sa mga kabataan at kababaihan,” masayang sabi ni VP Sara.
Ito ay ginawa ni VP Sara sa kanyang pagdalo sa Barangay Health Workers Provincewide Convention 2023 sa Surigao Provincial Gymnasium, Surigao del Norte kamakailan.
Kasama ng barangay officials, sinabi ni Duterte na ang Barangay Health Workers “ang nagsisilbing kinatawan ng gobyerno sa malalayong komunidad upang tugunan ang pangangailangang medikal ng ating mga kababayan.”
“Ipinahayag ko rin sa kanila na ang OVP ay mayroong programang Medical and Burial (MAB) assistance na maaari nilang ma-access sa pamamagitan ng OVP Surigao Satellite Office sa Tandag City,” sabi ng bise-presidente.
Ayon kay VP Sara, “bilang kalihim ng DepEd, nanawagan din ako sa ating health workers na suportahan ang adhikain na lahat ng kabataan ay makapag-aral para magkaroon ng magandang buhay, at ilayo sila sa panlilinlang ng New People’s Army.”
Samantala, halos wala rin namang patid ang pag-iikot ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) CALABARZON-On-Wheels.
Aba’y ayon kay Mayor Jun Ynares, sa Mayo 26, 2023 (8:00 AM to 3:00 PM) ay magtutungo ito sa 2/F Robinsons Place Antipolo.
Sinasabing available dito ang iba’t ibang mga serbisyo para sa mga Antipolenyo tulad ng scholarship programs, tech-voc training, seaman training, livelihood programs, business loans, business seminars, individual and group livelihood grants, welfare services, repatriation assistance, welfare case assistance, social benefits, medical and calamity assistance, at death, disability, and dismemberment.
Siyempre, nariyan din ang parokya ng OWWA sa Barangay at Pamilyang OFW at OWWA Membership Renewal.
Ang maaaring mag-avail nito ay ang overseas Filipino workers (OFWs) na nakauwi na ng Pilipinas sa loob ng tatlong taon.
Mabuhay po kayo, mga bossing, at God bless!
315