PAGPAPALAWIG NG TERMINO NG BSK OFF’LS ISINULONG NI CONG. CORVERA

TARGET ni KA REX CAYANONG

NAKABATAY sa pangangailangan ng mas mahaba at mas maayos na serbisyong pampubliko.

Ito ang isinusulong ni Agusan del Norte 2nd District Representative Dale Corvera para sa pagsasaayos sa termino ng mga opisyal ng Barangay at Sangguniang Kabataan (SK) sa ilalim ng House Bill 9557.

Ang pagtataas ng term limit mula sa kasalukuyang tatlong taon patungo sa limang taon, kasama ang dalawang sunod-sunod na termino, ay may layuning itigil ang patuloy na pagpapaliban sa BSK elections.

Layunin din nito na bigyan ang mga opisyal ng Barangay at SK ng sapat na oras upang maisakatuparan ang kanilang mga adhikain.

Ayon kay Rep. Corvera, ang tatlong taon ay tila masyadong maikli.

Aniya, ang unang taon ay nagiging orientation period lamang, at pagsapit ng ikalawang taon ay nagiging sagot sa pangangailangan para sa re-election.

Sa pangunguna niya, itinataguyod ng mambabatas na ang limang taon ay magbibigay daan sa “genuine periodic elections” at mababawasan ang gastos ng bansa sa madalas na halalan.

Ang pagpapalawig ng termino ay hindi lamang naglalayong mapabuti ang sistema ng halalan, kundi naglalaman din ng pangako para sa mas maayos at mas matagumpay na implementasyon ng mga programa at proyekto sa barangay level.

Sa ilalim ng bill, mabibigyan ng oras ang mga opisyal na mapanatili at mapatunayan ang kanilang kakayahan sa kanilang tungkulin.

Sa pangkalahatan, ang panukalang batas ni Rep. Corvera ay isang hakbang patungo sa mas matatag na sistema ng pamahalaan, kung saan ang mga opisyal ay binibigyan ng sapat na panahon upang magtagumpay at mapagsilbihan ang kanilang komunidad.

Nag-aambag ang mambabatas sa pagpapalakas ng pundasyon ng lokal na pamahalaan, isang hakbang na may malalim na epekto sa kinabukasan ng ating bayan.

Mabuhay po kayo, bossing, at God bless!

222

Related posts

Leave a Comment