PAGSUKO SA PINTIG NG BAYAN

TULUYAN nang gumuho ang basag na partidong kinabibilangan ni ­Pangulong Rodrigo Duterte sa ­pasyang bawiin ang kanyang inihaing kandidatura para sa Senado, at piliing suportahan na lamang ang tambalang tampok ang pinakamalapit sa kanyang puso, sukdulang iwanan ang partido.

Araw ng Lunes nang personal na tumungo ang Pangulo sa tanggapan ng Commission on Elections (Comelec) para sa pagsusumite ng pormal na liham ng pag-atras sa puntiryang pwesto sa Senado.

Wala mang hayagang pag-amin, ang ipinamalas ng Duterte ay isang patunay na mas nanaig ang puso ng isang ama sa anak niyang alkaldeng piniling sumama sa ibang grupo, taliwas sa kanyang kahilingang tumakbo sa ilalim ng PDP-Laban na pinamumunuan niya mismo.

Ang totoo, hindi ito ang unang pagkakataong nagbigay daan ang Pangulo na una nang pinuntirya ang posisyon ng pangalawang pangulo.

Bukod sa damdamin ng isang ama, mas pinili rin marahil ng Pangulong dinggin ang isinisigaw ng mga tao – ang tambalan nina dating senador Ferdinand “Bongbong” Marcos at ng anak niyang si Sara sa ilalim ng malawak na alyansa ng apat na partido.

Sa isang banda, tama rin siguro ang pasya ng Pangulo. May hangganan ang katapatan sa partido lalo pa’t iba ang pintig ng masang Pilipino.

Party loyalty ends when the people speak otherwise.

Pero ano ba ang mas matimbang sa Pangulo? Si Bong Go ba na naglingkod nang buong katapatan sa kanya o ang tambalang isinisigaw ng masa?

‘Yan mismo ang tanong na agad niyang tinugon nang walang binibitawang ano mang kataga. Ang kanyang pinili – ang gusto ng mga tao.

80

Related posts

Leave a Comment