PAGTULONG SA MAS MARAMING PINOY, NEW YEAR’S RESOLUTION NG PITMASTER

NANGANGAMBA raw ang maraming sabungero dahil sa banta ng Omicron variant sa bansa.

Well, dapat lang namang mangamba lalo pa’t dumarami ang mga kaso.

Kung noong mga nakaraang linggo ay hindi umaabot ng 500 cases, ngayon ay halos 5,000 na naman ang mga kaso. Tumataas din ang active cases.

Malamang ito na ‘yung epekto ng holiday season dahil ­maraming gumagala at nagbakasyon.

Pero huwag tayong mag-alala, mga ka-sabong, tuloy lang ang laban. Pasasaan ba’t babalik din sa normal ang lahat.

Tsaka, tuloy lang din ang talpakan. Kahit wala pang pisikal na sabong, andiyan naman ang e-sabong ng Pitmaster.

Nagpalit man ng taon, wala ring patid ang ibinubuhos na tulong ng Pitmaster Foundation sa mga nangangailangan nating kababayan.

“Sa pagsisimula natin ng panibagong taon, lagi nating ­isapuso ang pinakamahahalagang bahagi ng ating buhay — ang ating pamilya, pananampalataya, at pakikipagkapwa. Ipagdiwang at ibahagi natin ang kuwento ng tagumpay sa tulong ng isa’t isa at sabay-sabay nating salubungin ang hinaharap,” sabi ni Pitmaster Exec. Director Atty. Caroline Cruz.

Siyempre, sabi ni Cruz, ­”Kaisa ng Pitmaster ang bawat Pilipino sa pagsalubong ng Bagong Taon.”

Aniya, bahagi ng kanilang New Year’s Resolution ang ­maglingkod sa mas malawak na hanay ng mamamayang Pinoy.

“Hiling namin ang isang mapagpalaya at masaganang Bagong Taon para sa lahat!” dagdag pa ng abogado.

91

Related posts

Leave a Comment