PAGTULONG SA ODETTE VICTIMS, TINOTODO NA NG PITMASTER

TINOTODO na ng Pitmaster Foundation ang pagtulong sa mga apektado ng kalamidad sa iba’t ibang panig ng bansa.

Sinasabing dahil pahirapan ang paghatid ng tulong sa mga biktima ng bagyong Odette sa Mindanao at Visayas Region, minabuti ng Pitmaster na makipag-ugnayan sa Philippine Marines 72nd Marangal Battalion.

Sa ganitong paraan nga naman, mabilis na maihahatid ang mga kinakailangang ayuda sa mga biktima.

Sa isang panayam, sinabi ni Pitmaster Foundation ­Executive Director Caroline Cruz na personal nilang sinilip ang mga dinaanan ni Odette at marami talagang mga kalsada ang sira o lubog sa tubig kaya naisip nilang humingi na ng tulong sa AFP.

Aniya, hindi lang daw sa pag-transport ng relief goods ng Pitmaster kundi malaking tulong din ang marines sa pagre-repack ng mga pagkain at hygiene kits.

Aba’y ang initial target nilang beneficiaries ay nasa 100,000 families sa Surigao, Bohol, Negros at Palawan.

Ngunit dahil daw sa patuloy na paghingi ng tulong ng mga LGU sa kanilang chairman na si Charlie ‘Atong’ Ang, expected na raw nila na ­madaragdagan pa ang mga pamilya na makakatanggap ng ayuda sa mga susunod na araw.

Naku, bagama’t walang binibigay na info si Cruz kung magkano ang halaga ng kanilang kasalukuyang relief operations, ayon sa ilang impormante, umaabot na raw ito sa P45 milyon.

Mantakin ninyo, tone-toneladang bigas, de lata, at ­personal hygiene kits ang inihahanda nila, ang lahat ng relief packs para sa mga pamilya na nasalanta ng bagyo ay kumpleto o puno ng basic goods na kailangan ng mga residente.

Kung hindi ako nagkakamali, sa Cebu City ang main relief distribution center ng Pitmaster dahil nasa gitna ito ng bansa at mas malapit daw sa Mindanao at Palawan.

Well, laking pasasalamat naman nina Ang at Cruz kay Eastern Visayas Naval Reserve Commander Col. James Lugtu.

Si Lugtu kasi ang nag-alok ng kanyang mga tauhan at mga sasakyan para maihatid ang mga ayuda sa mga biktima bago mag-Pasko.

Hindi maitatanggi na talagang hindi ito ang unang relief operations ng Pitmaster dahil matagal na nila itong ginagawa kahit noong unang bahagi ng pandemya.

Kung maaalala nga, namigay rin sila ng relief goods sa mga biktima ng bagyo noong nakaraan taon sa Metro Manila at siyempre, sa mga karatig-lugar din.

Mabuhay po kayo, mga bossing, at God bless!

7

Related posts

Leave a Comment