PANGAKO NI PACQUIAO SUNTOK SA BUWAN

0

NAG-IMBITA si Senador Emmanuel “Manny” Pacquiao ng ilang tao at mga mamamahayag sa kanyang bahay sa Forbes Park nitong Sabado.

Hindi nagdeklara si Pacquiao na tatakbo siyang pangulo sa halalang Mayo 2022.

Hindi rin niya sinabing wala talaga siyang kabalak-balak na tumakbo sa mas mataas na posisyon sa eleksyong 2022.

Si Pacquiao ay napabalitang tatakbo sa pagkapangulo ng bansa.

Ngunit, hindi siguradong Partido Demokratiko Pilipino – Lakas ng Bayan (PDP – Laban) ang partido niya dahil benabalewala siya ng mga bataan ni Pangulong Rodrigo Duterte tulad nina Energy Secretary Alfonso Cusi at Cagayan Economic Zone Authority (CEZA) Secretary Raul Lambino.

Pokaragat na ‘yan!

Itong sina Cusi at Lambino na dating mga tauhan ni dating Pangulong Gloria Macapagal – Arroyo ay tanging si Pangulong Duterte ang pinakamamahal nilang politiko sa kasalukuyan.

Kahit ganyan, pumapalag pa rin at bumibira na ang ­boksingerong si Pacquiao.

Ang sabi ni Pacquiao nitong Sabado: “Gusto kong makita ang lahat ng kawatan sa ­gobyerno sa kulungan, lahat ng nagnanakaw”.

Pokaragat na ‘yan!

Sinabi na ‘yan ng mga tumakbong pangulo mula kay Corazon Aquino hanggang Duterte, pero ipaaalala ko kay Pacquiao na hindi naganap ang kanilang mga pangako.

Pangako rin nilang lahat na ipakulong ang mga tiwali at korap na mga opisyal at kawani ng pamahalaan, ngunit hindi nangyari.

Kung mayroon man, pahirapang makulong.

Tapos, ngayon nag-dedeklara si Pacquiao laban sa mga magnanakaw sa pamahalaan.

Idiniin pa ni Senador Pacquiao: “Gusto kong pumalakpak ang mga mahihirap na tao” kung  maraming makukulong na mga korap sa pamahalaan.

Magandang pakinggan.

Nakatutuwang basahin.

Ngunit, suntok ito sa buwan.

Ibig sabihin, hindi ito magaganap.

Minsang sinabi ko na sa ­aking kolum na mula nang ­maging kongresista hanggang maging senador si Pacquiao ay hindi ito bumira laban sa korapsyon.

Wala siyang inilantad na korapsyon kahit anong ahensiya ng pamahalaan.

Napakatahimik ni Pacquiao.

Kahit nga ang napakasahol na korapsyon sa mga pamahalaang lokal, pagamutan at mga proyekto ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa Mindanao ay walang binira si

Pacquaio kahit isa, samantalang taga-Mindanao siya.

Sa mga ahensiya ng isports ay wala rin siyang banat, samantalang hindi naman nakawala ang mga ito sa korapsyon.

Simula nang maging politiko si Pacquiao habang nananatiling bongsingero ay hindi ito kumilos at nagbunyag ng korapsyon.

Ngayong tinatalakay niya ang korapsyon, mungkahi ko simulan niyang kumilos laban sa DOE at CEZA.

Hamunin ni Pacquiao  ang Presidential Anti – Corruption Commission (PACC) na alamin at siyasatin ang pinanggalingan ng mga kayamanan nina Cusi at Lambino.

 
"COMMENT DISCLAIMER: Reader comments posted on this Web site are not in any way endorsed by SAKSI NGAYON. Comments are views by saksingayon.com readers who exercise their right to free expression and they do not necessarily represent or reflect the position or viewpoint of saksingayon.com. While reserving this publication’s right to delete comments that are deemed offensive, indecent or inconsistent with SAKSI NGAYON editorial standards, SAKSI NGAYON may not be held liable for any false information posted by readers in this comments section."

Related posts

Leave a Comment