PANIBAGONG ONLINE SCAM ISINUMBONG SA AMIN

RAPIDO ni PATRICK TULFO

MULI na naman kaming nakatanggap ng mga reklamo na may kinalaman sa online scam.

Ayon sa complainants na nanggaling pa sa lalawigan ng Bulacan, nakilala nila ang umano’y scammer sa pamamagitan ng social media.

Ang scam ay tinawag na paluwagan kung saan ang perang ipinasok ng mga biktima ay malaki ang tubo.

And since I am no stranger to scams, pinagsabihan po ng inyong lingkod ang mga biktima na tinawag kong “willing vicitims”.

Dahil kahit na alam ng mga ito ang panganib na kanilang pinasok ay itinuloy pa rin nila ito dahil nasilaw ang mga ito sa malaking kita.

Umamin din ang mga ito na kumita ang nauna nilang inilagak na pera sa naturang scheme bago hindi nakabayad ang nasa likod nito sa sumunod na mga singilan.

Nasa halos P65 milyon daw ang nawala sa kanila dahil sa pangyayari at dahil dito ay gusto na nilang ipahuli ang umano’y nanloko sa kanila.

Sasamahan namin sa mga awtoridad ang mga biktima upang masampahan ng karampatang reklamo ang suspek.

—–‐—————xxxxx—————

BAKIT kaya hindi maubos ang mga gumagawa ng kabulastugan diyan sa NAIA?

Ang pinakabago ay sangkot ang dalawang empleyado ng Office of Transportation Security (OTS) na pinangungunahan ni Mau Aplasca.

‘Yung isa ay nangyari sa NAIA Terminal 1 kung saan nawalan ng $300 dollars ang isang pasahero at nakunan ng security camera ang airport screener na may nilunok na pera umano.

Ang isa naman ay nangyari sa Terminal 3 kung saan nakunan din ng security cam ang pagkuha ng airport screener ng tsokolate sa bagahe ng pasahero.

Suspendido na ang dalawang empleyado ng OTS at iniimbestigahan na ang mga insidente. Hindi ko pa rin lubos maisip kung bakit walang takot ang mga gumagawa nito?

61

Related posts

Leave a Comment