PANUKALANG LAGUNA LAKE FERRY NETWORK INILAPIT NATIN SA DOTR

FORWARD NOW

Nakipag-ugnayan tayo kamakailan kay Transport Secretary Arthur Tugade upang talakayin ang ating panukalang magkaroon ng Laguna Lake Ferry Network mula Jala-Jala at Cardona papuntang Guadalupe Station sa Makati.

Isa ito sa mga naisip natin na solusyon upang mabawasan ang matinding trapiko sa Maynila at gamitin ang lawa ng Laguna upang mas mapabilis ang biyahe papunta sa Maynila at pabalik sa Rizal.

Maraming benepisyo at pabor ito sa ating mga kababayan sa lalawigan ng Rizal upang mapabilis ang kanilang pagluwas sa Kamaynilaan gayundin ang kanilang pag-uwi dahil hindi na nila daranasin ang mahabang oras ng traffic.

Makakahikayat din tayo ng investors upang maglagak ng kanilang negosyo sa Rizal kapag may maganda na tayong mode of transportation. Aangat din ang industriya ng turismo sa Rizal at tiyak na maraming trabaho rin ang malilikha nito para sa ating mga nasasakupan.

Bukod sa mas mapapabilis ang biyahe at maiiwasan ang mabigat na daloy ng trapiko, makatutulong din ito para mabawasan ang paglikha ng polusyon ng mga sasakyang nagbubuga ng maruruming usok sa kalsada.

Matagal na natin itong pinagpaplanuhan subalit kailangan munang pag-aralan mabuti ng ating pamahalaan upang matiyak ang kaligtasan ng mga pasahero o commuters at mapangalagaan natin ang kalinisan ng lawa na dadaanan ng ferry.

Kaya hiniling ko sa lahat na suportahan ang ipinapanukala natin na layong maproteksyunan ang kapakanan ng commuters na nagtitiis sa buhul-buhol na trapik para pumasok sa trabaho at mapangalagaan din ang kanilang kalusugan laban sa polusyon na kanilang araw-araw na sinusuong.

Kapag nagkaroon ng katuparan ang proyektong ito, tiyak na libu-libong mamamayan sa loob at labas ng Rizal ang makikinabang dahil hangad nating mabigyan ng ligtas, malinis at kumportableng uri ng sasakyan ang ating mga kababayan sa Rizal. (Forward Now / Rep. Fidel Nograles)

192

Related posts

Leave a Comment