PAPANAGUTIN ANG MGA RESPONSABLE SA DENGVAXIA CONTROVERSY

EARLY WARNING

Tama lang ang naging hakbang ng isa sa pamilya ng mga batang namatay dahil sa Dengvaxia vaccines at ng Public Attorney’s Office (PAO) sa pamumuno ng hepe nito na si Percida Acosta na isama sa civil suit ang dalawa pang dating opisyal ng Philippine Children’s Medical Center (PCMC) makaraang makitang mayroon silang malinaw na partisipasyon.

Sa amended complaint, nakasama na sina ex-PCMC deputy director for Professional Service Dr. Raymundo Lo at department manager for Medical Services Dr. Sonia Gonzales. Nauna nang kinasuhan ang mga opisyal ng French pharmaceutical Sanofi Pasteur Inc. at distributor Zuellig Pharma Corp. at sina ex-Health Secretary Janette Garin; Health Secretary Francisco Duque III; PCMC executive director Julius Lecciones at iba pang dati at kasalukuyang Health department officials.

Lumalabas na signatories din pala itong sina Lo at Gonzales sa pagkuha ng Dengvaxia vaccines sa halagang P3-B. Kasabay nito, nilinaw mismo ni Chief Acosta na hindi P3.5-B ang halaga ng bakuna tulad ng naunang napaulat.

Binunyag ng Commission on Audit noong 2017 ang non-disbursement ng anti-dengue program funds na nagkakahalaga ng P556.115 million.

Kamakailan lang, nagkaisa ang ilang Quezon City trial court judges na i-consolidate at hayaan na ang Branch 266 ang humawak ng maraming kaso na isinampa ng mga pamilya ng maraming batang namatay dahil sa Dengvaxia.

Maayos na pasimula

Mahusay ang bagong hepe ng Caloocan City police na si PCol Noel Flores, kapartner itong si PLtCol Ferdie del Rosario, assistant chief of police for administration, at iba pang opisyal nito, nang kanyang i-meet ang mediamen sa pangunguna ng CAMANAVA Press Corps na aking pinamumunuan.

Batid ni PCol Flores ang malaking papel ng media sa mga programa ng kapulisan na todong suportado ng administrasyon ni Mayor Oca Malapitan lalo na sa peace and order at kampanya laban sa kriminalidad at ilegal na droga.

Tulad din ng bagong police chief sa Valenzuela City na si PCol Carlito Gaces na suportado rin ni Mayor Rex Gatchalian at mabilis ding nakipag-communicate sa mediamen, maganda ang pasimula ng dalawang magiting na opisyal na ito at iyan ang gustung-gusto ni NCRPO director PMajGen Guillermo Lorenzo T. Eleazar, na kilalang ‘darling of the press,’ na maging transparent at friendly sa media at ‘wag maging isnabero. (Early Warning / ARLIE O. CALALO)

113

Related posts

Leave a Comment