PARTNERSHIP NG PTFOMS, ACT-CIS PARTY-LIST PARA SA MEDIAMEN

EARLY WARNING

Nag-partner ang Presidential Task Force on Media Security (PTFOMS) sa pamumuno ni Undersecretary Joel Sy Egco at ang topnotcher sa nakaraang halalan, ang ACT-CIS Party-list sa pangunguna ni Congw. Rowena Niña Taduran na isulong ang ‘Media Workers Welfare Act’ (MWWA) sa Kongreso.

Nauna na siyang nangako na isusulong n’ya ang mga batas upang lalong mabigyang proteksyon ang mediamen lalo na iyong mga ordinaryong mamamahayag at agad itong tinupad ni Congresswoman Weng na matagal ding naging m’yembro ng Fourth Estate na pansamantalang natuldukan nang tawagan s’ya ng pagkakataon na maging kinatawan.

Bukod dito, nagkaroon ng memorandum of agreement ang ACT-CIS Party-list at si Usec. Egco, na dati ring mediaman at naging pangulo ng National Press Club, upang lalo pang mabigyang pansin ang interes ng mga mamamahayag sa bansa.

Sakaling maging batas ang MWWA, inaasahang makatutulong ito sa pag-monitor ng iba’t ibang media network owners para matiyak ang tungkol sa safety issues sa pagganap ng tungkulin. Napag-alaman din na ang komisyon ay tutulong din sa pag-evaluate ng kakayahan ng media, base sa nais na maging posisyon nito.

Mga lehitimong tri-media and online mediamen ang t’yak mabebenepisyuhan ng proposed bill, at panghabambuhay ang benepisyong matatanggap dahil paglalaanan ang komisyon ng pondo mula sa General Appropriations Act.

PCUP sa pamumuno ni Chairperson Feliciano, wagi ang urban poor!

Umabot na sa mahigit na 100,000 mahihirap na pamilya lalo na ‘yong mga nasa resettlement areas ang naasistehan ng Presidential Commission for the Urban Poor (PCUP) at National Food Authority (NFA) sa pamamagitan ng pagkakaloob ng murang halaga ng bigas.

Kamakailan lang, may 2,000 pamilya ang naserbisyuhan ng PCUP sa pamumuno ni Chairperson at CEO Alvin Feliciano katuwang ang NFA sa Baras, Rizal kung saan nakinabang ang mga residente rito ng mahigit 10,000 kilo ng bigas sa murang halaga o P27 lamang kada kilo kumpara sa P38-P50 kada kilo ng commercial rice.

Tulad ng isa pa nating kaibigan at kaagapay sa lahat ng oras ng mga mamamahayag si DENR Undersecretary Benny Antiporda, mas’werte ang Duterte administration dahil may tulad ito nina Usec. Benny pati si Usec. Egco at si CEO Alvin na hasang-hasa na rin sa serbisyo-publiko mula sa lokal at nasyunal na posisyon. (Early Warning / ARLIE O. CALALO)

118

Related posts

Leave a Comment