PASKONG MALIGAYA NA NGA BA?

PRO HAC VICE Ni BERT MOZO

KUNG noong nakalipas na dalawang taon ay hindi ­naging masaya ang Pasko dahil sa pandemya sa COVID-19, baka naman ngayon ay magiging Merry na ang Christmas!

Dahil batay sa mga ­eksperto ay patuloy ang pagbaba ng bilang ng mga nahahawaan ng nakamamatay na sakit na COVID-19.

Sa huling datos nga ng Department of Health (DOH), bumaba na sa 12% o labindalawang porsyento ang bilang ng naitalang mga kaso ng COVID-19 sa bansa sa nakalipas na isang linggo.

Batay sa datos ng DOH nitong nakalipas na November 14 hanggang 20, umabot lamang sa 8,004 ang nadagdag na mga kaso ng mga tinamaan o nahawaan ng virus sa buong bansa.

Mas mababa ito ng mahigit isang libong kaso kumpara noong nakalipas na November 7 hanggang 13 na nakapagtala ng 9,069 na mga kaso ng COVID-19.

Base naman sa ­pinakahuling talaan ng DOH, mayroon lamang 568 ang bilang ng mga pasyente na kritikal habang 493 naman ang mga ICU bed sa mga hospital.

***

TAAS PASAHE NO WAY!

‘Yan po ang pagtitiyak ng DOTR o Department of Transportation, walang pagtaas ng pamasahe sa anomang uri ng pampublikong sasakyan ngayong holiday season o hanggang sa dulo ng 2022.

‘Yan mismo ang ginawang paniniguro ni TRANSPORT SECRETARY JAIME BAUTISTA, sinabi nito na huli na ang inaprubahang taas-pasahe sa maraming public utility vehicle nitong nakalipas na buwan ng Setyembre. Samantala, pinag-aaralan din ni Sec. Bautista kung ­magdadagdag pa ng mga PUV matapos ang dalawang taon dahil inaasahang dadagsa ang mga pasahero sa mga

pampublikong sasakyan dahil magsisiuwian sa kani-kanilang mga probinsya ang karamihan sa mga commuter.

19

Related posts

Leave a Comment