Bizzness Corner ni Joy Rosaroso
NAKU, mga Ka-bizzness bagama’t tayo ay kasalukuyang bumabangon pa lamang sa epekto ng pandemic sa ating bansa na ika nga’y “New Normal” ay mukhang patuloy na naman ang pagbabadya ng COVID-19. Patuloy pa rin ang laban at pakikibaka ng sambayanan sa pandemya at sa mga ganitong panahon ay ibayong pag-iingat parin ang kailangan.
Ngunit sa kabila ng mga ganitong kwento na halos nagiging pang karaniwan na lamang sa araw-araw ay meron pa rin namang mga kwento ng tagumpay gaya na lamang ng nangyari sa isang celebrity/singer, chef at businesswoman na si Chef Jennifer Lee na nang dahil sa pandemic ay naisipan niyang magbukas ng isang catering service, Ang COMIDA Party Tray & Services na ang main concept ay “Online Food Services”.
Ito ay nagsimula noong nakaraang taon lamang, noong 2022 habang laganap ang COVID-19 at nang dahil sa lockdown ay hindi makalabas ang mga tao upang makabili ng pagkain at dahil nga rito ay naisip ng ating madiskarteng celebrity chef na magkaroon ng online business kung saan naging mas convenient ang pag-order ng masarap, kalidad at affordable na pagkain at dahil nga sa angking galing ng ating bidang chef ay agarang tinangkilik ito at nagkaroon ng stable na customers.
Sa katunayan, Ang COMIDA Catering ay nakapag-cater na sa malalaking event gaya ng reunion concert ng Eraserheads, Bootleg The Beatles Concert at kamakailan nga ay sa pagtatanghal ng internationally acclaimed singer na si Deniece Williams.
Passion na may kasamang pagmamalasakit sa customer ang kanyang susi, ani pa ng ating celebrity chef. Totoo nga na ang sipag at tiyaga ay ang pinakamasarap na pampalasa ng tagumpay at sa lagim na naidulot ng pandemya, marami pa rin ang ating mga kwento ng tagumpay.
