PATUTSADA NI ABANTE SA BI, SABLAY

BISTADOR ni RUDY SIM

SA kabila ng mainit na usapin patungkol sa sitwasyon ngayon ng mga dayuhang Chinese sa bansa partikular ang pagsilip ng administrasyong Marcos sa paghigpit sa pagpasok at pagbibigay ng resident at student visa sa mga ito ng Bureau of Immigration (BI), ay ilan namang pulitiko ang nakikisawsaw sa isyu.

Nanawagan itong si Manila 6th District Representative Benny Abante sa kanyang privilege speech sa plenary hall ng mababang kapulungan ng Kongreso, na imbestigahan daw itong hepe ng Immigration Regulations Division na si Rogelio Gevero Jr. na siyang nakasasakop sa Student visa section ng ahensya.

Ayon kay Abante, mayroon umanong pananagutan itong si Gevero kung bakit nabigyan ng student visa ang mga Chinese na nagkalat ngayon sa bansa. Aba, Teka muna, Congressman Sir, bakit mo titirahin ang ahensya kung ang mga aplikante naman ay nakapagbigay nang sapat na requirements upang sila ay maging qualified na mabigyan ng visa.

Tila nakapagtataka naman ang timing nitong si Abante na imbes na pasulong ay naging paurong ang kanyang banat, at isa pa, Sir, ‘wag kang nagmamalinis at ‘wag na ‘wag mong gagamitin ang pangalan ng Diyos o ang bible verse kung mayroon kang hidden agenda sa iyong pag-iingay. Nadulas ka pa sa iyong speech na imbes na student visa ay tourist visa ang iyong nabanggit. Teka! Nagpaparamdam ka ba, Sir?

Sabi nga sa bible, Mr. Abante, Mateo 7: 1-5, “Wag ninyong husgahan ang iba, para hindi rin kayo husgahan ng panginoon,” Alien! Congressman!! Walang masama, Sir, na gamitin mo ang salita ng Diyos kung ‘yan ay galing sa malinis ang puso at hindi upang makapanira ng iyong kapwa at magawa mo ang iyong nakatagong balakin.

Ngayon, nag-iingay ka, Mr. Congressman, pero bakit noong ipinakiusap mo sa nakaraang administrasyon ang iyong bespren na itatago na lamang natin sa pangalang SIRAULo Medina alias Macho Chiquito, na dating hepe ng Tourist Visa Section ng BI, ay tahimik ka at hindi ka nanawagan na imbestigahan ang iyong bata kahit napakaraming alegasyon ng korupsyon sa kanyang pamumuno!!

‘Wag ganun, Sir, ‘yan ay malaking kasalanan sa panginoon na gagamitin mo ang pagiging pastor mo upang magmukha kang mabango sa paningin ng maraming tao. Nabasa mo na ba ang babala noon ni Kristo na mag ingat sa mga bulaang propeta? Basahin mo, Sir, sa Matthew 7: 15-20.

Ang dapat mong paimbestigahan, Cong. Abante, ay itong si alias Madam na may-ari ng isang malaking travel agency sa Binondo na kumita ng daang milyones dahil sa pagpapapasok ng mga Chinese national sa bansa sa kasagsagan ng Visa Upon Arrival.

Para sa inyong sumbong at reaksyon, maaaring i-text ako sa 09158888410.

(Ang mga ipinapahayag sa kolum na ito ay sariling opinyon ng sumulat at hindi saloobin ng pahayagang SAKSI Ngayon – Patnugot)

97

Related posts

Leave a Comment