PEKENG PERA PARA SA HALALAN

MULING nalagay sa kompromiso ang ­integridad ng nalalapit na halalan sa Mayo makaraang maglabas ng babala ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) laban sa pagkalat ng mga palsipikadong salapi.

Dangan naman kasi, isang malinaw na pag-amin ang kanilang babala kaugnay ng muling paglaganap ng palsipikadong pera sa napipintong maruming halalan.

Ito na nga rin marahil ang hudyat para sa mga trapo para isulong ang kanilang adyenda — sungkitin ang inaasam-asam na pwesto sa ano mang paraang mapagtanto, kesehodang makaperwisyo.

Ang totoo, hindi na naman bago ang kalakaran ng guns, goons and gold sa tuwing may halalan. Ang mga baril na pahiwatig ng nagbabadyang patayan, ang goons na kuma­

katawan sa pambabarako at pananakot sa mamamayan, at gintong katumbas ng perang pambili ng boto.
Ang siste, ang dating guns, goons and gold, nadagdagan pa ng bulaang trolls na ang tanging pakay ay magpalaganp ng maling impormasyong nagkukubli ng bahong

ipinasa naman sa iba sa paraang paninira ng kapwa sa social media.

Malinaw naman ang nakasaad sa batas – ito ay krimeng may kalakip na pagkaka­kulong sa sino mang mahuling nag-iingat, ­gumagamit, nagpapakalat at naglilimbag ng mga palsipikadong pera.

Higit na mabigat naman ang parusa sa panunuhol at pagbili ng boto.

Bagama’t may ilan nang nakulong na dahil sa pag-iingat ng pekeng pera, parang wala naman yatang nabalitang nasintensyahang namamalsipika.

Tila wala rin yata sa hanay ng mga trapong bumibili ng boto gamit ang pekeng pera, ang nakukulong – siguro dahil masikip pa ang mga piitan o baka naman sadyang untouchable sila.

Kailan ba titigil ang kalakaran ng halalang pera-pera? Siguro ‘pag hindi na uso ang pera.

66

Related posts

Leave a Comment