PERSONA NON GRATA VS CHINESE AMBASSADOR NARARAPAT BA?

BALYADOR ni RONALD BULA

PINAG-IISIPAN sa ngayon ng gobyerno ang panawagan ng ilang mambabatas na ideklarang persona non grata si Chinese Ambassador to the Philippines Huang Xilian.

Sa press briefing sa Malacañang, ipinaliwanag ni Department of Foreign Affairs (DFA) Assistant Secretary Maria Teresita Daza na kapag nasa pwesto na ang isang ambassador, ibig sabihin ay tinanggap siya ng accrediting host government.

Paliwanag ng kalihim, maaari lamang itong maging subject ng persona non grata kung may ginawa o sinabi ito na hindi maganda laban sa bansa.

Pero sa kasong ito aniya, kailangan muna siyang isailalim sa seryosong konsiderasyon kung ang serye ng insidente sa West Philippine Sea (WPS), ay may merit para siya ideklarang persona non grata.

Una na kasing nangako ang ambassador ng China sa Pilipinas na gagawin niya ang lahat ng makakaya para mapalakas ang relasyon ng Pilipinas at China, hindi para ito pagsabungin pa.

Ngayong araw, hapon o gabi, ay haharap si Chinese Ambassador Huang kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., para magpaliwanag sa nangyaring pangha-harass ng kanilang Chinese Coast Guard (CCG) sa mga barko ng Pilipinas.

Kaugnay nito, wala namang pinag-uusapan pa sa ngayon ang gobyerno para i-recall o pauwiin na rito sa Pilipinas ang ambassador ng Pilipinas sa Beijing na si Jaime Florcruz

@@@

Samantala, umani ng suporta ang Pilipinas mula sa iba’t ibang bansa patungkol sa pinakahuling pangha-harass ng China Coast Guard sa mga barko ng Pilipinas sa West Philippine Sea.

Ayon kay DFA Spokesperson Assistant Secretary Maria Teresita Daza, 14 na mga bansa ang naghayag ng kanilang suporta sa Pilipinas laban sa China sa bagay na ito.

Ang mga bansang ito ay ang Australia, Canada, Denmark, European Union, Finland, France, Germany, Ireland, Japan, Republic of Korea, The Netherlands, New Zealand, United Kingdom at United States of America.
Ayon kay Daza, nababahala at nag-aalala ang mga bansang ito sa nangyayari sa teritoryo ng Pilipinas.

Inaasahan aniyang darami pa ang mga bansang maghahayag ng kanilang pagsuporta sa Pilipinas.

@@@

Para sa suhestiyon at reaksyon, mag-email lang sa balyador69@gmail.com

164

Related posts

Leave a Comment