PILIPINAS INILIGTAS NG MARTIAL LAW MULA SA PAGIGING COMMUNIST STATE

DI KO GETS ni GIO ANDREW CAYANONG (GUEST COLUMNIST)

NAGDIWANG si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ng kanyang ika-66 kaarawan nitong Miyerkules, Setyembre 13.

Wala nga lang sa Pilipinas si PBBM noong araw na iyon.

Nasa Singapore siya para sa 10th Asian Conference kung saan nagsalita siya sa harap ng maraming negosyante at ilang world leaders.

Kahit kaarawan niya, nagtatrabaho ang Pangulo.

Samantala, malaki naman daw ang paniniwala ni Sen. Robin Padilla na nailigtas ng deklarasyon ng martial law noong September 21, 1972 ang bansa sa pagiging communist state.

Sinasabing ito’y taliwas sa paniniwala ng ilang historian.

Kung maaalala kasi, sa Senate hearing ay sinabi ni Padilla na nadinig lamang ng mamamayan ang nag-iisang naratibo hinggil sa pangyayari sa martial law.

Kinabibilangan iyon ng pag-aresto ng libo-libong oposisyon, pagkawala ng kritiko ng Marcos administration, at pagbagsak ng ekonomiya.

Gayunman, para kay Padilla, masyadong makapangyarihan noong 1970 ang komunismo sa Timog Silangang Asya.

Sabi nga ng masipag na senador: “Yung isang narrative ay ang martial law ay nagdulot ng pagliligtas sa ating bansa na tayo po ay maging communist country at marami din po tayong kasundaluhan ang nagbigay ng buhay para maligtas po ang ating bayan na tayo po ay makubkob ng mga komunista.”

Kaya naman, binigyang diin ni Padilla na “kung kinikilala n’yo ‘yung bayani n’yo diyan, meron ding bayani dito.”

“Dapat din natin silang kilalanin,” wika ni Padilla.

Well, may punto nga naman ang senador.

Kung hindi ako nagkakamali, aba’y naghain ng isang panukalang batas si Padilla upang ideklara ang Setyembre 21 bilang selebrasyon ng unsung heroes noong panahon ng batas militar.

Punto naman ng senador, mababago naman daw ang non-working holiday kung tututol ang labor department.

Ano sa palagay ninyo, mga giliw kong tagasubaybay?

238

Related posts

Leave a Comment