PILIPINO, 1 SA 5 LAHI NG TAO NA MATALINO

At Your Service Ni Ka Francis

BASE sa pag-aaral ng mga eksperto, isa sa lahi ng mga tao sa buong mundo ang kayumanggi o Pilipino na matalinong tao.

Lumalabas na ang limang lahi ng mga tao sa buong mundo ay matatalino.

Ang mga ito ay kinabibilangan ng Caucasian o lahing puti. Sila ay may maputing balat at malapad na pangangatawan at ang kanilang buhok ay malimit na kulay-ginto o kulay kayumanggi.

Hugis pili ang kanilang mga mata na nagtataglay ng bughaw, luntian o abuhing kulay. Matangos ang kanilang ilong, makitid ang kanilang bibig at bahagyang manipis ang ang kanilang mga labi.

Ang Ethiopian o lahing itim ay may maitim na balat at matipunong pangangatawan.

Kulot at kulay-itim ang kanilang buhok, kulay-kape ang bilugan nilang mga mata. Pango ang kanilang ilong, malapad ang kanilang bibig, at makapal ang kanilang mga labi.

Ang Mongolian o lahing dilaw ay may manilaw-nilaw na balat at katamtamang pangangatawan. Singkit at kulay-itim ang kanilang mga mata. Ang kanilang buhok ay kulay-itim at maaaring tuwid, pino, o magaspang. Hindi matangos ang kanilang ilong, ngunit hindi rin naman pango. Makitid ang kanilang bibig at manipis ang kanilang mga labi.

Ang American o lahing pula ay may mamula-mulang balat at balingkinitan ang pangangatawan. Alanganing singkit ang kanilang kulay-kapeng mga mata. Itim at tuwid ang kanilang buhok, palapad ngunit matangos ang kanilang ilong, malapad din ang kanilang bibig na may manipis na mga labi.

Ang Malayan at lahing kayumanggi na Pilipino ay may kayumangging balat at balingkinitang pangangatawan. Bilohaba at kulay-itim ang kanilang mga mata.

Kulay-itim at pino ang kanilang buhok. Katamtaman ang tangos ng kanilang ilong na may pabilog na tungki. Katamtaman din ang lapad ng kanilang bibig pati na ang kapal ng kanilang mga labi, at kulay-kape ang kanilang mga mata.

May paniniwala na ang may malaking bungo na tao na tulad ng lahing Caucasian, ang pinakamatalinong tao.

May mga nagsabi naman na ang talino ng isang tao ay nakadepende sa kanyang pagre-review.

Kung pagbabasehan sa praktikal na gawain, ang mga Pilipino ay subok na matalino dahil kahit saan mo sila ilagay na lugar ay kaya nilang mabuhay nang mag-isa.

Nagiging problema lamang sa mga Pilipino ang kakulangan sa mga oportunidad sa sarili nilang bansa kaya hindi sila umaangat sa buhay.

Kadalasan, umaangat sila kapag nabibigyan ng pagkakataon na makapagtrabaho sa abroad dahil doon ay nailalabas nila ang kanilang galing at talino.

73

Related posts

Leave a Comment