At Your Service Ni Ka Francis
MAITUTURING na ang Pilipinas ay isa sa pinakamayaman sa buong mundo pagdating sa usapin ng natural resources.
Una, ang Pilipinas ay napalilibutan ng mga karagatan na naglalaman ng maraming yaman.
Nariyan ang mayamang langis na nakapalibot na karagatan ng Pilipinas.
Napakaraming lamang dagat tulad ng isda, sea shells at iba pa.
Kabilang sa pinakamalaking yaman sa dagat ay ang mapagkukunan ng petrolyo sa West Philippine Sea at Benham Rise na may humigit-kumulang 250 kilometers Silangan ng Hilagang baybayin ng Dinapigue, Isabela.
Dahil sa mga yamang ito ay pinag-iinteresan ng mga bansang katulad ng China, ang ating mga karagatan.
Hindi matatawaran sa rami ang mga langis nakadeposito sa mga karagatang ito.
Mayaman din ang Pilipinas sa mga mina ng ginto na matatagpuan sa Benguet province at Mindanao.
May iba’t ibang lugar din sa bansa na may mga mina o raw materials ng bakal, tanso, uranium at maraming iba pa.
Matatagpuan din sa ating bansa ang pinakamaraming deposito ng black sand sa lalawigan ng Zambales na kadalasan ay dinadala sa bansang China.
Maituturing ding kayaman sa isang bansa ang napakaraming tubig sa Pilipinas, maging tubig alat man o tabang.
Mayroon tayong dalawang seasons, tag-init at tag-ulan na malaking tulong sa ating mga magsasaka.
Ika nga ng iba, ang Pilipinas ay pinakamapalad na bansa dahil napakaraming natural na kayaman ang ipinagkaloob sa atin ni Lord.
Mapalad din ang Pilipinas dahil maganda rin ang klima na ipinagkaloob sa atin ni Lord.
Sa lahat ng panahon ay maaaring tayong makapagtanim ng mga pagkain kaya mas lamang tayo sa ibang bansa.
May mga bansa kasi na matindi ang snow o niyebe sa kanila kaya hindi nakapagtatanim o hindi masyadong nakakikilos ang kanilang mamamayan sa panahong ito.
Sa maraming natural na kayamanan na ibinigay sa atin ni Lord ay wala na tayong hahanapin pa.
Kaya kailangan natin siyang pasalamatan sa pagpapalang ipinagkaloob niya sa atin, pangalagaan natin ang natural na kayamanang ito.
Wala na tayong hahanapin pa, sipag at tiyaga na lang ang kailangan para may makain tayo.
36