PINOY NA MAY PUSONG-MAMON

At Your Service ni Ka Francis

ISA sa mga kaugalian ng mga Pilipino na kinagigiliwan ng ibang lahi ay ang pagiging pusong-mamon (soft hearted) ng mga ito.

Ang kaugaliang ito ay ang pinagsamang puso (heart) at mamon (chiffon cake) kaya naging pusong-mamon.

Na ang ibig sabihin, ang mga Pilipino na may pusong-mamon ay maawain at mahabagin sa kapwa.

Ito ang nagugustuhan ng ibang lahi sa mga Pilipino na nagtatrabaho bilang domestic helper, caregiver, at trabaho na may kinalaman sa medikal.

Dahil sa pagkakaroon ng pusong-mamon ng mga Pilipino ay madali silang makapanatagan ng loob ang iba’t ibang lahi sa buong mundo.

Kaya naman iba’t ibang lahi ng mga tao ang gusto na makapag-asawa ng Pilipina dahil sa pagkakaroon ng pusong-mamon.

Makikita ang pagkakaroon ng pusong-mamon ng mga Pilipino sa pagtrato nila sa mga alagang hayop na parang miyembro ng kanilang pamilya.

Isa rin tayo sa lahi ng tao na maayos at magaling mag-entertain ng mga bisita o panauhin.

Sa katunayan, sa mga pistahan sa mga kanayunan, kahit hindi ka kakilala sa inyong aakyatan na bahay ay pakakainin ka ng may-ari nito.

Minsan, padadalhan ka pa ng binalot na pagkain para sa inyong pamilya.

Sa pagkakataong ito ay nagkakaroon agad ng maraming kaibigan o kakilala ang mga Pinoy kahit saan man sila mapadpad na bansa sa mundo.

Madali rin silang nakapag-a-adjust sa mga kaugalian ng ibang tao sa mga lugar na napupuntahan dahil sa pagiging palakaibigan nila.

Isa rin sa itinuturing na pinakamatalinong tao sa buong mundo ang mga Pilipino dahil sa kanilang pagiging madiskarte, nagagawa nila ang mga trabaho kahit pa ang mga gawain ng may matataas na pinag-aralan.

Sa ibang bansa rin, lumalabas ang pagiging magaling ng mga Pilipino kung saan ipinakikita nila sa kumpanyang kanilang pinaglilingkuran.

Malinis at pulido rin magtrabaho ang mga Pilipino na siyang hinahanap ng mga kumpanya sa abroad.

oOo

Siyempre bago ko makalimutan, mga kaibigan, gusto kong magpasalamat sa liderato ng Valenzuela City Police Station.

Sa liderato ng bagong Chief of Police na si Kuya PCol. Nixon Cayaban sa sunod-sunod na accomplishments niya at walang-sawang gumagawa ng mabuti at pakikipagtulungan lalo na sa mga negosyante.

Salamat din, Kuya PCol Nixon Cayaban, sir, sa pagtitiwala at parangal ng pagkilala na pinagkaloob mo sa inyong lingkod.

Bukod sa pagkilala niya sa akin sa pamamagitan ng sertipikasyon ay binigyan din niya (Col. Cayaban) ng parangal ang FC Scrap Trading & Trucking at FCJ Chicken House.

Simula kasi noong 2021 ay nagbibigay na ng mga bigas ang mga kumpanya sa mga police station ng Valenzuela City.

Kahanga-hanga ang ginagawa ni Col. Cayaban sa magandang pakikipag-ugnayan sa mga negosyante sa kanyang nasasakupan.

oOo

Belated Happy Birthday pala sa akin anak na si Caisley Fae na nagdaos ng kanyang kaarawan kamakailan.

95

Related posts

Leave a Comment