PINOY NURSES, ‘THE BEST IN THE WORLD’

SINABI ni Health Secretary Teodoro Herbosa, ang mga nurse sa Pilipinas ay “the best in the world”, at marami sa mga ito ang nangibang bansa na dahil sa maraming trabaho na hindi nako-compensate nang maayos.

Makikita sa database ng Professional Regulation Commission na mayroong humigit kumulang isang milyong registered nurse sa bansa ngunit kalahating milyon lamang ang kinokonsidera bilang “active”.

Ayon naman sa data ng Department of Health (DOH), isinaad ng Filipino Nurses United (FNU) na tatlong daang libo na ang mga nurse na nag-migrate mula sa Pilipinas.

Pareho ang demand para sa mga nurse sa ibang bansa at sa Pilipinas subalit ang kikitain ng mga health practitioner ay mas mataas sa ibang mga bansa tulad ng Austria, Canada, Germany, Japan, Saudi Arabia, Singapore, at United States.

Ang rason kung bakit “the best in the world” ang mga nurse mula sa Pilipinas ay dahil competent, caring, at proficient sa wikang Ingles ang mga health practitioner natin.

Ayon sa Educational Testing Service, kapag mas proficient sa Ingles ang isang tao, higit nilang naipapahayag ang kanilang sarili.

Dahil dito, mabilis makibagay ang mga Filipino nurse sa mga pasyente sa ibang mga bansa.

Base sa data ng DOH, nangangailangan ng 127,000 nurses ang Pilipinas upang magkaroon ng optimal health care ang mga ospital sa bansa. Ngunit mahigit sampung libo lamang ang average na registered nurses kada taon. Labingdalawang taon ang bubunuin upang makamit ang goal na ito.

Ayaw ni Herbosa na umalis ang mga nurse sa Pilipinas, subalit kailangan magkaroon ng malaking pagbabago sa employment ng Pilipinas.

Malaki ang gap ng entry level pay ng ibang mga bansa para sa mga nurse kumpara sa entry level pay sa Pilipinas.

Dapat mapag-usapan ng mga opisyal ng pamahalaan ang salary issues ng mga nurse upang maisakatuparan ang minimithi na manatili ang mga ito sa bansa at hindi na kulangin sa health practitioners ang Pilipinas.

42

Related posts

Leave a Comment