At Your Service Ni Ka Francis
ISA sa lahi ng mga tao sa buong mundo na pinakamaliit na tinawag na lahing Kayumanggi ay ang mga Pilipino.
Sa sampung bansa na may pinakamaliit na lahi ng tao ay pangwalo ang mga Pilipino na may taas na 159. 69 cm o katumbas ng 5.24 ft.
Pinakamaliit o nangunguna sa lahat ay ang Timor Leste na may taas lamang na 156.42 cm o katumbas na 5.13 ft.
Bagama’t kapus sa tangkad ang mga Pinoy ay nag-uumapaw naman ang kanilang galing, kumpiyansa at talento.
Ang sinasabing “bansot,” “maliit,” at “pandak” na madalas na pang-asar sa mga lahi ni Juan dela Cruz, ay nabalewala dahil sa pagiging tanyag bilang, “small but terrible”.
Batay sa pag-aaral, pangalawa ang mga Pinoy sa mga Indones na pinakamaliit ang lahi sa Timog-Silangang Asya.
Ang average height ng mga Pinoy na lalaki ay aabot lang ng 5’3″ o 162 centimeters. Habang ang mga babae ay nasa 4’11” o 150 centimeters ang taas.
Lumabas din sa pag-aaral na nasa dugo at lahi na talaga ng mga Pinoy ang pagiging hindi matangkad dahil sa halong lahi ng mga Malay na hindi katangkaran.
May mga nagsasabi naman na, ‘di baleng maliit, basta may ibubuga.
Patunay nito ang tinatawag na “minion” ng hardcourt na si Emman Monfort, na hindi naging hadlang ang height para makapasok at makapaglaro sa Philippine Basket Association (PBA).
Sa kanyang taas na 5’6″ ay point guard si Emman sa basketball kung saan ay nakikipagsabayan siya sa malalaking mga manlalaro sa loob ng hardcourt.
Hindi man katangkaran si Emman ay bumabawi naman siya sa diskarte at liksi at nalalamangan niya ang mga mas matangkad sa kanya.
Maging Onyok Velasco na isang maliit na boksingerong Pinoy ay naging tanyag din sa kanyang pinasok na larangan ng sports na boxing.
Bagama’t maliit ang lahi ni Juan dela Cruz ay madalas natatawag namang “small but terrible” dahil sa ipinakikitang talento, liksi at diskarte sa larangan ng pinapasok na karera.
Hindi nagpapahuli ang mga Pilipino sa talento ng ibang lahi na matatangkad pagdating usapin ng palakasan at iba pa.
oOo
Para sa inyong katanungan maaari po kayong tumawag o mag-text sa cell# 0917-861-0106.
45