PINOY SOLID BBM-SARA TANDEM NA?

LALO pang lumakas ang Bongbong Marcos-Inday Sara Tandem (BBM-SARA) matapos tuluyan nang umatras sa pagtakbo sa pagka-pangulo si Sen. Lawrence “Bong” Go kamakalawa.

Binasa ni Go sa harapan ng mga taga-media ang kanyang statement sa pag-atras niya sa kanyang kandidatura.

Binanggit niya na sa tuwing umuuwi siya sa kanyang pamilya ay lagi niyang iniisip ang kanyang pagtakbo sa pagka-pangulo.

Aniya, hindi naman siya politiko at ordinaryong mamamayan lamang siya at hindi kilala ang kanyang pamilya sa pulitika.

Naaawa raw siya kay Pangulong Rodrigo Duterte na kanyang itinuring na pangalawang ama dahil ito ang naiipit sa kanyang pagtakbo sa pagka-presidente, kaya minabuti niyang umatras sa pagtakbo sa pagka-pangulo.

Minsan na siyang naging kandidato sa vice president sa loob lamang ng isang buwan nang mag-file siya sa ilalim ng partido ng PDP Laban.

Naging ka-tandem niya si Sen. Ronald “Bato” dela Rosa, bilang presidente sa parehong partido.

Nitong Nobyembre 15 deadline ng substitution ay sabay sila (Dela Rosa at Go) na umatras sa kanilang kandidatura.

Umakyat naman sa pagka-pangulo si Go sa ilalim ng ­Pederalismo ng Dugong Dakilang Samahan (PDDS) na pinamumunuan ni Greco Belgica.

Ang pagtakbo ni Go sa pagka-pangulo ay umani ng samu’t saring reaksyon mula sa taumbayan.

May mga nagsasabi na kaya tumakbo si Go sa pagka-­pangulo para paghandaan ang disqualification case at cancellation ng Certification of Candidacy (COC) ni BBM.

May mga lumabas pang niluluto ang Go-Sara tandem, ­subalit lahat ng ito ay hindi kinagat ng mga Pilipino.

Lalo pang nagpakita ang mga volunteer sa iba’t ibang panig ng mundo na may Pilipino ng kanilang mainit na suporta sa BBM-Sara tandem sa pamamagitan ng kanilang mga motorcade.

Ang ginawang pag-anunsyo ni Go sa pag-atras sa kanyang kandidatura ay sinabayan ng motorcade ng BBM-Sara tandem sa Eastern Samar na dinaluhan ng libu-libong katao.

Sa phone interview naman ng PUNA kamakalawa ng gabi kay Mayor Enrique “Bebot” Miravalles ng bayan ng Valladolid, Negros Occidental ay kinumpirma niyang solid ang kanilang lalawigan para sa BBM-Sara tandem.

Si Mayor Bebot ay presidente ng League of Municipalities of the Philippines -Negros Occidental chapter na may labing-siyam (19) miyembro ng mga mayor sa nasabing lalawigan.

Lalo pang naging malinaw ang tuluyang pagbabalik ng Marcos sa Malakanyang.

Sabi nga ni BBM, “SAMA-SAMA TAYONG BABANGON MULI”.

oOo

Para sa suhestiyon at reaksyon, mag-email sa ­joel2amongo@yahoo.com o mag-text sa cell# 0919-259-59-07.

3

Related posts

Leave a Comment