PITMASTER FOUNDATION, INC. MAJOR SPONSOR SA CLIMATE CHANGE FORUM

SABONG ON AIR Ni KA REX CAYANONG

TULOY-TULOY ang charity efforts ng Pitmaster Foundation, Inc.

Katunayan, aba’y isa ito sa major sponsors sa gaganaping National Climate and Disaster Emergency Policy Forum na gaganapin sa Discovery Primea Hotel, Ayala Avenue, Makati City bukas, September 22, 2022.

Sinasabing ang event ay dadaluhan ng lima sa mga miyembro ng gabinete ni ­Pangulong Bongbong ­Marcos.

Wala kasi ang Pangulo sa Pilipinas dahil dumadalo ito sa mas mahalagang aktibidad sa Amerika.

Kasama sa mga inaasahang a-attend sa forum sina Secretaries Benjamin Diokno, Arsenio Balisacan, Raphael Perpetuo Lotilla, Robert Borje, Ma. Antonia Yulo-Loyzaga, University of the Philippines President Danilo Concepcion at Bangko Sentral ng Pilipinas Governor Felipe Medalla.

Kung hindi ako nagkakamali, si Albay Representative at climate policy expert Joey Sarte Salceda ay guest speaker sa okasyon.

Mahalagang daluhan ito ng mga stakeholder.

Kung matatandaan, una nang nagbigay ng suporta ang Pitmaster sa ilang environmental rehabilitation ­efforts sa mga lokal na pamahalaan.

Kabilang sa naging recipients ay ang LGUs ng Siniloan, Laguna at Real, Quezon na tinulungan ng foundation sa pamamagitan ng financial, logistical at staff support para sa kaparehong forum.

Bukod sa Pitmaster Foundation, magiging sponsor din ang tanggapan ni Salceda, Local Climate Change for ­Adaptation & Development, 4k Foundation, Komunidad, UP Resilience Institute at Project Noah.

Kasabay nga nito, inihayag naman ni Pitmaster Executive Director Atty. Caroline Cruz na ang kanilang foundation sa pangunguna ng kanilang chairman na si Charlie “Atong”, Ang ay kaisa at nagagalak sa mga ganitong adhikain.

Kaya naman, inihayag ni Cruz na suportado nila ang mga climate policy ng bansa, lalo na pagdating sa community adaptation at ­renewable energy.

Tama nga naman si Cruz, napakahalaga ng nasabing pagtitipon para makatulong sa pagpreserba sa ating ­Inang Kalikasan.

Related posts

Leave a Comment