PITMASTER FOUNDATION, NAG-DONATE NG 2,000 MODULAR TENTS SA DSWD

SABONG ON AIR Ni KA REX CAYANONG

WALANG tigil ang medical at disaster relief efforts ng Providing Indigents with Timely Medical Assistance, Service, and Targeted Emergency Relief (Pitmaster).

Katunayan, nag-donate ang Pitmasters Group ng 2,000 piraso ng modular tents sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) kamakailan.

Sina Mr. Anthony Lim, Mr. Jun Fernandez, Boss Eric Dela Rosa, Mr. Vincent Violago at Mr. Rico Manalansan ang nanguna sa turnover ceremony.

Mismong si DSWD Secretary Erwin Tulfo rin ang tumanggap ng donasyon.

Ginanap ang seremonya sa DSWD-NROC sa Pasay City.

Ganyan ang Pitmaster Foundation.

Kahit na hindi pa naman tuluyang nakababalik ang e-sabong ay tuloy-tuloy ito sa pagtulong sa gobyerno.

Kung matatandaan, nakapag-donate na ang foundation ng P1 bilyon (18 million US dollars) sa COVID response program ng gobyerno at iba pang mga proyekto.

Dahil sa mga inisyatibong ito, tinatayang higit 650,000 individuals at 300 groups sa buong bansa ang nagbenepisyo rito.

Kaya naman, nangingibabaw ngayon ang Pitmaster bilang isang credible national charitable organization, sa tulong na rin at suporta ng kanilang stakeholders o partners, kabilang ang mga lokal na komunidad.

Si Mr. Charlier “Atong” Ang, katuwang si Pitmaster Foundation Executive Director Atty. Caroline Cruz, ay iniangat na rin ang foundation sa pamamagitan ng iba’t ibang strategic initiatives.

“[Our] immediate response program keeps the foundation’s employees and 5,230 volunteers and members safe and healthy as they travel around the country to engage in humanitarian work. The women-led Pitmaster Foundation is recognized for service above and beyond the call of duty in challenging times,” wika ni Cruz.

At kung maaalala nga, ang Pitmaster ay na-nominate para maging isa sa finalists ng 2022 Stevie Awards For Business.

Ang Stevie nomination ay patunay na talagang nakikita at nararamdaman ang pagtulong na ginagawa nila sa gobyerno, sa tao, at sa mga lokal na pamahalaan.

“The recognition from the Stevie Awards reflects the efforts of Mr. Ang and many male supporters and leaders in the organization to collaborate and welcome the efforts of women colleagues and leaders, just as much as it reflects the efforts the women of the team have brought in,” dagdag pa ni Cruz.

Saludo po kami sa medical at disaster relief efforts ng Pitmaster.

God bless and more power po!

8

Related posts

Leave a Comment