PITMASTER FOUNDATION NAMAHAGI NG 1,100 WHEELCHAIRS SA PWDs

MAGING si Taguig City Rep. Lani Cayetano ay galit daw sa e-sabong o mas kilala bilang online sabong. Ayaw nilang ­tantanan ang mga operator.

Nanawagan pa nga ito sa gobyerno at publiko na pag-usapan daw ang mga masamang epekto ng e-sabong sa bansa.

May mga ­estudyante at pamilya raw na ­naaapektuhan ng pagkalulong sa e-sabong. Posible rin daw na maging ang mga menor de edad ay ­madadamay rito.

Sabi ni Cayetano, may problema rin daw na hatid ang e-sabong sa mga magulang at guro.

Kaya naman, para sa kanya, dapat itong pag-usapan para mapigilan ang hindi magandang epekto nito.

Sa Maco, Davao de Oro, inaresto raw ang isang binata dahil sa hindi nabayarang P561,000 na utang dulot ng online sabong.

Maging ang mister ni Cayetano na si dating House Speaker at incumbent Taguig-Pateros Rep. Alan Pater Cayetano ay nagpahayag na rin ng pagtutol sa mga panukala sa Kamara de Representantes na nagbibigay ng prangkisa sa mga kompanya para makapag-operate ng e-sabong sa bansa.

Ang problema nga lang, walang solusyon ang mag-asawa kung anong ibibigay nilang trabaho sa mga mawawalan ng kita dahil dito. Ang gusto lang nila ay pigilan ito.

Ang masaklap, hindi nila iniisip na maraming ma­wawalan ng kita at oportunidad kapag tuluyan itong ipinagbawal.

Ang Pitmaster Foundation na isa sa mga ­nagsusulong ng e-sabong sa bansa ay matagal nang tumutulong sa mga kababayan natin, lalo na ang mga mahihirap.

Kahit sa mga probinsya, namamahagi ang Pitmaster ng mga ambulansya para sa COVID-19 response ng gobyerno.

Sinasabing halos 1,100 wheelchairs na rin daw ang naipamahagi ng Pitmaster sa loob ng tatlong buwan sa ating Persons with Disabilities (PWDs) sa bansa.

Kung hindi ako nagkakamali, tuloy-tuloy rin ang pamamahagi nila ng tulong para sa lahat.

4

Related posts

Leave a Comment