PONDO NG SENATORIABLE KATAS NG KOTONG NI MACHO CHIQUITO?

0

ISANG ambisyosong opisyal ng pamahalaan na pinuno ng isang ­anti-corruption kuno ang napabalitang ­posibleng kasama sa listahan ng mga tatakbong senador sa ­darating na halalan na, ayon sa bulung-bulungan, ay suportado ito ng isang tiwaling opisyal ng Bureau of Immigration (BI) na si alyas “Macho Chiquito”.

Ayon sa nakalap nating impormasyon, kaya nananatili sa puwesto si Macho Chiquito ay dahil sa suporta sa kanya ng opisyal ng Malacañang na kasama sa listahan ng senatorial line-up bukod pa sa isang congressman sa Lungsod ng Maynila.

Hindi maiwasan na isipin ng mga kawani ng BI na dahil kaya dito, kaya napakalakas ng loob ng immigration official na ito na kotongan ang mga lehitimong travel agency at mga dayuhan na nais lamang na maging maayos ang kanilang paninirahan sa bansa.

Ang garapalang pangongotong umano ni Macho ­Chiquito na halos kumikita kada araw ng kalahati hanggang isang milyon ay inalmahan ng ilang concerned employees ng ahensya dahil hindi nila ito masikmura kung saan ay ang mga tauhan nito ang kanya umanong isinusubo sa kapahamakan.

Sinabi ng ating source na wala silang magawa, kundi sumunod sa gusto umano ng kanilang opisyal na ­iproseso ang passport ng isang dayuhan kahit walang order galing sa nakatataas at sana kung sa kabang-yaman ito na papasok at hindi sa bulsa ng tiwali na kagaya ni Macho Chiquito.

Mula sa libu-libong passports ng mga dayuhan, partikular ng mga Chinese national, na pumapasok sa kanyang tanggapan kada araw na bawat isa rito ay kinokotongan ng P20,000.

Dahil kaya sa nalalapit nang matapos ang termino ni Pangulong Rodrigo Duterte ay sinasamantala naman ito ng mga nabigyan ng posisyon sa pamahalaan para sa kanilang sarili?

Nasa panahon pa rin tayo ng pandemic, ngunit wala pa ring humpay ang kagaya ni Macho Chiquito na sinisira ang karangalan ng ating bansa lalo’t sinasabi ng pangulo na ­malaking tulong sa ating ekonomiya ang mga Chinese national na walang humpay din na tumutulong sa pagbibigay ng libreng bakuna laban sa COVID – 19.

Hindi ba ito naisip ng bayot na si Macho Chiquito, o talagang kinain na ito ng maling sistema?

oOo

PARA sa inyong Sumbong at Reaksyon, itext lamang ako sa 09158888410.

(ANG mga ipinapahayag sa kolum na ito ay sariling opinyon ng sumulat at hindi saloobin ng pahayagang SAKSI Ngayon – Patnugot)

 
"COMMENT DISCLAIMER: Reader comments posted on this Web site are not in any way endorsed by SAKSI NGAYON. Comments are views by saksingayon.com readers who exercise their right to free expression and they do not necessarily represent or reflect the position or viewpoint of saksingayon.com. While reserving this publication’s right to delete comments that are deemed offensive, indecent or inconsistent with SAKSI NGAYON editorial standards, SAKSI NGAYON may not be held liable for any false information posted by readers in this comments section."

Related posts

Leave a Comment