PRES’L ASPIRANTS PANG-2 PWESTO NA LANG ANG PINAGLALABANAN

HINDI matinag at malinaw na ang pag-upo bilang susunod na presidente ng bansa ni dating Senador Bongbong Marcos dahil sa sobrang taas na pagtanggap sa kanya ng taumbayan.

Halos mayanig sa ingay at init ang pagtanggap sa kanya ng mga nakiisa sa proclamation rally ng BBM-SARA UniTeam sa Philippine Arena sa Bocaue, Bulacan kamakalawa.

Dahil nasa pandemya pa rin ang bansa, kaya 50% lamang sa 55,000 kapasidad ng Philippine Arena ang pinayagan na maka­dalo sa okasyon.

Kasama ng BBM-Sara UniTeam ang kanilang ­senatorial candidates at ilang local candidates sa pag-arangkada ng unang araw ng kampanyahan para sa 2022 national at local elections.

Nanuyo naman si Leni Robredo sa kanyang mga kababayan sa Naga City at nakiusap din ang kanyang kampo na suportahan siya sa social media.

Hindi kasi kinakagat ng taumbayan ang ads ni ­Robredo sa social media.

Imbes na suportahan siya ay batikos pa ang kanyang inaabot.

Karamihan kasi ng vloggers ay supporters ni BBM na lalong nagpapaangat sa kanya sa mga survey.

May lumabas na impormasyon kamakailan na ­marami sa supporters ni BBM ay ipinabura ang kanilang social media accounts ng kampo ni Robredo.

Hindi rin nagustuhan ng mga tao ang istratehiya ni Robredo na pambabatikos at pagsasabing sinungaling si BBM.

Bagama’t below the belt na ang paninira at pananabotahe laban kay BBM ay nananatili siyang kalmado at nananawagan ng pagkakaisa.

Naniniwala ang batang Marcos na sa pagkakaisa ay muling manunumbalik ang magandang kaugalian ng mga Pilipino at makakaahon ang bansa sa kahirapan na dulot ng COVID-19 pandemic.

Pinili naman ni Manny Pacquiao na gawin ang kanyang proclamation rally sa kanyang lugar sa ­General Santos City.

Bagama’t ipinagdudul­dulan sa taumbayan ang kandidatura ni Robredo ay nananatili itong hindi umaangat sa survey.

Sa pinakahuling Radio Mindanao Network and Asia Pacific Consortium of Research and Educators (RMN-APCORE) survey ay nakapagtala lamang si Robredo ng 17.1% kung ikukumpara kay BBM na may 56.8%. Inaasahang tataas pa ang survey ni BBM sa susunod na mga linggo.

Sa pagdalo ng PUNA sa proclamation rally ng BBM-Sara UniTeam ay marami tayong namataan na naki­isa na dating ayaw sa Marcos. Ngayon kumbisido na kayo na malakas sa taumbayan si BBM!

Sa presidential aspirants na katunggali ni BBM, ay pangalawang pwesto na lamang ang kanilang pinag­lalabanan.

Ano pa ang ginagawa nina Pacquiao, Moreno, Lacson, De Guzman, Abella at Gonzales? Atras na!

Nagsimula ang kampanyahan para sa president, vice president, senators at party-list noong Pebrero 8 (Martes) hanggang Mayo 7, 2022 (Sabado).

Para naman sa mga pagka-kongresista, gobernador, mayor, pababa hang­gang mga konsehal ay magsisimula sa Marso 25, 2022 (Biyernes) hanggang Mayo 7, 2022 (Sabado).

oOo

Para sa suhestiyon at reaksyon mag-email sa joel2amongo@yahoo.com o mag-text sa cell# 0919-259-59-07.

98

Related posts

Leave a Comment