PRO3 DIR. P/BGEN. JOSE HIDALGO JR., MASIPAG NA MAMANG PULIS

TARGET NI KA REX CAYANONG

NASA sentro ngayon ng kontrobersiya ang Philippine National Police (PNP).

Ito’y kaugnay ng sinasabing pagtatakip o cover-up daw sa illegal drug case na kinasasangkutan ng sinibak na si Police Master Sergeant Rodolfo Mayo Jr.

Ito rin daw ang dahilan kaya nagkakabangayan ngayon sina PNP Chief Gen. Rodolfo Azurin Jr. at DILG Sec. Benhur Abalos Jr.

Isinasangkot ni Abalos si Azurin sa cover-up issue, bagay na itinanggi naman ni Azurin. Sa harap ng isyung ito, maraming mamang pulis na tahimik lamang na nagtatrabaho.

Siyempre, unang-una rito si Police Regional Office Region 3 (PRO3) Director P/BGen. Jose Hidalgo Jr. Mas pinaigting kasi ng kanilang hanay ang kampanya laban sa lahat ng uri ng masasamang mga elemento.

“Central Luzon cops remain relentless in eradicating all forms of lawlessness within the region especially on illegal drugs as we continue to have no let-up in stopping its proliferation in order to attain drug-free communities,” wika ni Hidalgo.

Nasabat naman ng pulisya ang P1.3 milyong halaga ng hinihinalang shabu sa isang anti-illegal drug operation sa Dinalupihan, Bataan kamakailan.

Nasakote ng mga operatiba ng Dinalupihan Municipal Police Station (MPS) sa buy-bust operation sa Brgy. New San Jose sina Carlo Unating, John Christ Cabato at Walter Isip na kapwa nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Bukod daw sa sinasabing shabu, aba’y nakumpiska rin sa operasyon ang isang P1,000 peso bill marked money, isang P500 bill at isang Samsung cellphone. “I commend our troops for a job well done. This goes to show that we are unremitting in our campaign against illegal drugs, which is also in line with the BIDA program of the DILG,” pahayag ni Hidalgo.

Saludo po ako sa inyo, P/BGen. Jose Hidalgo Jr.

Mabuhay po kayo, Sir, at God bless!

53

Related posts

Leave a Comment