PROGRAMA NG OWWA PARA SA AKTIBONG OFWs

MAAARING hindi popular para sa maraming overseas Filipino workers (OFWs) ang a king tema. Pero, mayroon tayong kasabihan na ang nagsasabi nang tapat ay magsasama nang maluwat. Kaya sa pagkakataong ito ay “real talk” muna tayo.

Tuwing ako ay nagpapaskil ng mga benepisyo o suporta ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) para sa mga OFW ay sangkaterbang negatibong komentaryo o “bashing” ang aking natatanggap.

Malimit nga na sabihin nila na ang tagal-tagal na nilang miyembro ng OWWA, pero kahit minsan ay hindi nila napakinabangan ang ahensiyang ito.

May reklamo rin na ang tagal-tagal ng proseso tungkol sa mga benepisyo ng OWWA tulad ng scholarship at pangkabuhayan na tila baga ayaw ibigay ng OWWA sa mga OFW.

Kapag tinanong naman kung miyembro sila ng OWWA ay saka aa mining matagal na silang hindi nagbabayad ng OWWA membership na $25 tuwing ikadalawang taon.

Linawin ko lang na ang nagbabayayad ng membership ay siyang totoo at aktibong miyembro ng OWWA.

Marami ring mga OFW ang nagpaabot sa akin ng kanilang pagtutol sa praktis na makinabang din kahit hindi aktibong miyembro ng OWWA at undo cumented OFWs.

Kalimitan, ang hindi aktibong kasapi ng OWWA ay sila pa ang maingay at pasimuno sa pagbibigay ng mga negatibong komentaryo kapag naba banggit na tanging aktibong miyembro ng OWWA ang dapat mabiyayaan ng mga programa at benepisyo ng ahensiyang ito.

Hindi ako mabibigla kung maraming negati bong komentaryo ang a king natatangap dahil sa halos 10 milyong OFW ay wala pa sa dalawang milyon ang aktibong m iyembro ng OWWA.

Kung ikukumpara ang OWWA sa iba pang ahensya ng gobyerno tulad ng Social Security System (SSS), Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) at Pag-IBIG, naging maluwag nitong mga nakaraang taon ang OWWA dahil kahit hindi aktibong miyembro ay nakinabang sa calamity fund nito.

Ito ang maaaring dahilan kung bakit tuluyan nang bumubulusok pababa ang bilang ng mga OFW na hindi nagbabayad ng kanilang membership.

Katwiran kasi nila, kahit hindi magbayad ng membership ay nakatatanggap din naman sila ng ayuda mula sa OWWA.

Sabi nga ng OFW Leaders, hindi patas para sa mga aktibong miyembro ang kalakarang ito.

Kamakailan ay nag-apruba ng bagong resolusyon ang OWWA Board of Trustees na tinawag na “OFW Tulong sa Pag-unlad Program”.

Maglalabas ang OWWA ng P2 bilyon para sa programang ito upang makatanggap ng P10,000 ang bawat aktibong miyembro ng OWWA na direktang naapektuhan ang kanilang kabuhayan o trabaho dahil sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Ngunit, hindi na mabibigyan iyong mga OFW na nakatanggap ng tig-P10,000 mula sa Department of Labor and Employment’s (DOLE) AKAP financial assistance.

Ang layunin ng OFW Tulong sa Pag-unlad Program ay matulungang makapagsimula ng bagong hanapbuhay sa Pilipinas ang mga OFW na nawalan ng trabaho sa ibang bansa dahil nga sa COVID-19.

Ang mga benepisaryo nito ay ang mga aktibong miyembro na umuwi sa bansa mula noong Pebrero 1, 2020 hanggang kasalukuyan.

Bukod dito, naglaan din ang OWWA ng P400 milyon para sa Educational Assistance for School Emergencies (EASE) sa kasapian nito.

Sampung libong piso kada taon ang matatanggap ng aktibong miyembro ng OWWA bilang iskolar sa kolehiyo upang masiguro na hindi mahihinto sa pag-aaral ang kani-kanilang mga anak.

Sa mga programa at benepisyo na ilalabas pa ng OWWA sa mga susunod na panahon ay siguradong masasabi ng mga aktibong miyembro na sulit ang kanilang binabayad na $25 kada dalawang taon.

153

Related posts

Leave a Comment