Trending at usap-usapan pa rin ang tungkol sa pananamit ni Senator Risa Hontiveros nang magkaroon ito ng group photo kasama ang iba pang mga senador para sa pagbubukas ng 18th Congress noong Lunes.
Kumalat ang larawan hanggang ang isang Twitter user ay walang prenong nagkomento na ang pananamit ng senadora ay nagpamukha ritong isang “thirsty slut”.
Hindi tayo pro o against sa senadora pero sa totoo lang ay walang masama sa suot niya.
Piña barong dress ang kanyang suot at hindi ito bastos. May skirt o undergarment siyang suot pero ganoon na lang punahin ng isang sexist.
Ang nagkomento ay parang hindi na inisip kung tama ba ang kanyang naging argumento.
“Dear Risa Hontiveros, Dress appropriately. There’s a place and time to dress like a thirsty slut and a senator of the republic,” ang puna ng isang Carlo Malonzo.
Sa pahayag ng Twitter user, nasaan ang paggalang at tamang komento sa sinabi niyang iyan? Kawawa naman ang taong iyan. Siya tuloy ang napuna ng ibang netizens. Hindi kasi siya nag-iisip – makakomento lang. Dahil diyan siya ang napunang bastos dahil sa kanyang sexist remark.
Wardrobe? malfunction lang siguro ang nangyari, ‘yon lang naman. (Sa Totoo Lang / ANN ESTERNON)
150