QC BBM-SARA MOTORCADE, SINABOTAHE?

ISINISI ni Quezon City mayoralty candidate Mike Defensor sa kampo ni Mayor Joy Belmonte ang pananabotahe sa BBM-SARA Uniteam motorcade noong nakaraang ­Disyembre 8, 2021.

Ayon kay Defensor, may lumutang na isang babae na kaya raw siya sumama sa isinagawang motorcade ay dahil binigyan siya ng P500.

Itinuturo ng babae na nagbigay ng pera sa kanya ay ang kampo ng BBM-Inday Sara Uniteam.

Base sa imbestigasyon ng grupo ni Defensor na nag-organize sa BBM-SARA Motorcade, ang babae na nagsasabing binigyan siya ng pera ay mula raw sa kampo ni Belmonte.

May grupo raw talaga na sumama sa motorcade na binayaran at sabihin na ang namimigay ng pera ay ang kampo ng BBM-SARA Uniteam. Pakawala!

Malakas ang paniwala ni Defensor na ang may kaga­gawan ng pananabotahe ng BBM-SARA Uniteam ay mula sa kampo ni Belmonte dahil alam na ang nag-organize nito ay siya.

Si Defensor ang mahigpit na kalaban ni Mayor Joy ­Belmonte sa pagka-alkalde sa May 9, 2022 national at local elections.

Nauna nang nais sana nila Defensor na kumuha ng permit sa Liwasang Aurora sa loob ng Quezon City Memorial Circle (QCMC) para pagkatapos ng kanilang motorcade ay didiretso sila sa lugar para doon sila magsagawa ng maigsing programa.

Unang kinausap ng kinatawan ng BBM-SARA Uniteam ay ang isang staff ng QCMC at kinumpirma na bakante ang ­Disyembre 6, 7, 8 at 9 base sa kanilang logbook.

Subalit kalaunan ay nag-text ang nasabing staff sa kinatawan ng BBM-SARA Uniteam at sinabing hindi na raw bakante ang Liwasang Aurora dahil gagamitin ito ng QC government.

Ang galing n’yo mag-alibi mga friend! Obyus na ayaw n’yo ipagamit ang area sa BBM-SARA Uniteam.

Bakit sino bang may-ari ng QCMC? Pribadong kumpanya ba ‘yan?

Kaya ang ginawa ng kinatawan ng BBM-SARA Uniteam ay sinadya nila si Engr. Zaldy dela Rosa, action officer ng QCMC.

Sa halip na payagan sila sa Liwasang Aurora ay itinuro sila sa covered court sa loob ng circle na may kapasidad lamang na 3k katao.

Anong tingin nyo sa motorcade ng BBM-SARA Uniteam, nilalangaw?

Sabi pa nitong si Engr. Dela Rosa, hindi na raw pinaga­gamit sa political activity ang area.

Kaya ayun, ipinakita ng BBM-SARA Uniteam supporters na kahit ‘di sila pinayagan sa loob ng circle ay matagumpay ang kanilang isinagawang motorcade mula Sandigan Bayan hanggang Welcome Rotonda sa boundary ng QC at Maynila.

Hindi pa nakuntento ang kalaban ng BBM-SARA Uniteam, inakusahan pang namimigay sila ng pera kaya dinagsa ang kanilang motorcade, anak kayo ng mga ina ninyo!

Hala sige kita-kits na lang tayo sa eleksyon! Bye! Merry X-mas na rin sa mga nananabotahe sa BBM-SARA Uniteam.

oOo

Para sa suhestiyon at reaksyon, mag-email sa joel2amo-ngo@yahoo.com o mag-text sa cell#0919-259-50-07.

5

Related posts

Leave a Comment