QCPD DIRECTOR YARRA, ILLEGAL DRUGS TALAMAK PA RIN SA KYUSI

0

IPINUWESTO si Brig. Gen. Antonio Yarra bilang direktor ng Quezon City Police District (QCPD) dahil tila siya ang nababagay sa puwesto.

Galing si Yarra sa ­Calabarzon (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal at ­Quezon) na pinanggalingan din ng hepe ng ­National ­Capital Region Police ­Office ­(NCRPO) na si Major ­General Vicente Danao, Jr.

Napansin ng PUNA na nananatiling talamak ang ­ilegal na droga sa iba’t-ibang barangay ng QC.

Kahit mahigit na ­ipinatutupad ang lockdown sa Quezon City (QC) ay araw-araw pa ring may mga naaarestong sangkot sa ilegal na droga.

Hindi napipigilan ng pandemyang COVID-19 ang mga dealer at pusher ng droga.

Hindi rin sila natatakot kahit mahigpit na ipinatutupad ng QCPD ang police checkpoints.

Pilit talagang lumulusot ang mga nasa likod ng ­ilegal droga.

Gamit pa ng mga ­sangkot sa ilegal na droga ang kani-kanilang mga pass na inisyu sa kani-kanilang lugar para makalabas sa kani-kanilang mga bahay.

Kamakalawa, arestado sa operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Holy Spirit Police Station (PS – 14) ang No. 6 station-level drug p­ersonality na si Gilbert Yumul.

Itong si Yumul na residente ng No. 9, San Roque Compound, Brgy. Pasong Tamo ng QC ay 50 -anyos na pala.

Ang kasama niyang nasakote ay si Victor Dazal, 46-anyos, nakatira sa No. 129 Pingkian II, ng parehong barangay.

Nakupiska sa kanila ang P88,400 halaga ng methamphetamine hydrochloride, mas kilala sa tawag na “shabu”, o “bato” sa buy-bust operation na ikinasa sa Brgy. Pasong Tamo.

Bago madakip sina Yumul at Dazal, araw – araw na nakasasakote ang mga pulis – QC ng mga pusher at adik kahit dati hanggang ngayong si Yarra na ang hepe ng QCPD.

Ipinangako ni Pangu-long Rodrigo Duterte noong kauupo pa lamang nito sa Malakanyang na ­tatapusin niya ang ­problema sa ­ilegal na droga sa bansa, sa loob ng anim na buwan.

Nabigo si Duterte sa kanyang pangako dahil hindi niya alam na ­napakalawak pala ng ­inaabot ng ilegal na droga sa bansa.

Halos lahat ng sektor ay napasok na ng sindikato ng ilegal na droga.

Kung baga sa sakit, isa na itong kanser na mahirap nang magamot dahil sa ­napakalala na ito.

Mayroong ­nahuhuling ­ilang lider ng simbahan, guro, empleyado ng ­gobyerno at maging mga awtoridad dahil sa ilegal na droga.

Kaya, kailangan nang palakasin ang values sa mga paaralan para malaman ng mga mag-aaral ang kahalagahan ng buhay ng tao.

At para makaiwas din ang mga bata sa anomang bisyo, o masamang gawain.

Mas madali kasing pangaralan ang isang tao kapag bata pa siya, kaya mahalagang matutunan niya sa paaralan ang magagandang values.

Ika nga ng matatanda, mababaloktot pa ang punong kahoy kapag mura pa siya, pero kapag matanda na ay hindi na siya kayang pasunurin.

Kailangan din ng mga magulang na lagi nilang bantayan ang kanilang mga anak para malaman nila kung anu-ano ang mga pinaggagawa nito.

Kadalasan kasi ng nasasangkot sa ilegal na gawain ay ang mga batang hindi nasusubaybayan nang husto ng kanilang mga magulang.

Ang ikareresolba sa problema sa ilegal na droga ay ang tulong ng mga magulang at – siyempre – tulong na rin ng mga matitinong awtoridad.

oOo

Para sa suhestiyon at reaksyon, mag-email sa joel2amongo@yahoo.com.

 
"COMMENT DISCLAIMER: Reader comments posted on this Web site are not in any way endorsed by SAKSI NGAYON. Comments are views by saksingayon.com readers who exercise their right to free expression and they do not necessarily represent or reflect the position or viewpoint of saksingayon.com. While reserving this publication’s right to delete comments that are deemed offensive, indecent or inconsistent with SAKSI NGAYON editorial standards, SAKSI NGAYON may not be held liable for any false information posted by readers in this comments section."

Related posts

Leave a Comment