QUEZON CITY PAYDAY FRESH MARKET 2024

BIZZNESS CORNER ni JOY ROSAROSO

ANO-ANO ba ang mga produkto n’yo? Ito ba ay healthy or organic?

Pwes, may chance na kayong manalo sa 2024 sa Quezon City Payday Fresh Market.

Ang bi-weekly trade fair sa Quezon City ng Small Business Development Cooperatives Promotions Office ay naglalayong maghatid ng mas healthy at organic na pagkain, inumin at iba pang mga produkto.

Ang mga mapipili na maging bahagi ng Quezon City Payday Fresh Market 2024 ay mabibigyan ng pagkakataon na maibida ang kanilang mga produkto sa Quezon City Hall.

Paano sumali? Madali lang. Mag-register sa https: //gc-sdcdpo.com o sa Quezon City Fresh Market 2024.

Ito ang isang paraan ng local government ng Quezon City upang mapalawig ang mga pagkain at ang paggamit ng mga organic food, para na rin sa malusog na pamumuhay sa lungsod.

Ang ganitong pamamaraan ay naglalayong maging masagana at magkaroon ng iwas sakit na pamumuhay ang mga taga Quezon City.

Pagkakataon na rin ito na ma-promote nang husto ang organic food sa bansa.

Sana, hindi lang sa Quezon City ito gawin kundi sa lahat ng karatig na mga siyudad sa Metro Manila at maging sa buong bansa.

154

Related posts

Leave a Comment