QUEZON CITY TINAWAG NA BUSINESS FRIENDLY

BIZZNESS CORNER ni JOY ROSAROSO

PINARANGALAN ng Philippine Chamber of Commerce and Industry (PCCl) ang Quezon City bilang business friendly kamakailan.

Personal na tinanggap ni Masyor Joy Belmonte ang parangal sa 49th Philippines Business Conference and Expo na ginanap sa Manila Hotel at sa kanyang talumpati ay ibinahagi niya ang pasasalamat sa kanyang nasasakupan at sa lahat ng mga negosyante ng lungsod.

Dagdag niya, ang tagumpay ay tanda na nasa tamang direksyon sila. Ang pagsisilbi ay inspirasyon kaya hinimok niya na dumami pa ang mga investor sa Quezon City Business Services Program.

Simula aniya nang maging automated ang business process nila ay tumaas ng 350 percent ang Capital Investment nila sa kabuuang P51 billion noong nakaraang 2022.

Ito rin ay ground breaking sa pinakamalaking data center at ngayon ay nadagdagan pa ng 10,216 ang bagong tala ng mga negosyante kumpara sa nakaraang taon na mayroon lang 7,652.

Kasama ni Mayor Joy na tumanggap ng parangal sina Business Licensing Department head Margie Santos, City Assessor Sherry Gonzalvo; Small Business and Cooperative Development Promotion office head Mona Yap, at Local Economic Investment and Promotion office head Jay Gatmaitan.

Congratulations and Mabuhay Quezon City!

119

Related posts

Leave a Comment