RAKET NG BI SA NAIA, HALA BIRA!!

BISTADOR ni RUDY SIM

HABANG ang buong sambayanan ay nakatutok sa mala-teleseryeng buhay at imbestigasyon ng Senado at Kamara tungkol sa isyu ng nakauumay nang kwento ni Alice Guo na nagresulta ng pagkakasibak kay Bureau of Immigration Commissioner Norman Tansingco, sinasamantala naman ngayon ang pagkakataon ng tiwaling mga empleyado ng ahensya sa lahat ng airports partikular diyan sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Aware kaya si BI Officer-In-Charge Joel Viado na sinasamantala ng mga tiwaling IOs at BCIU personnel ang paspasan na pamamasahero ngayon sa NAIA? Ayon sa ating nakalap na impormasyon, free for all na raw ang pagpapalusot ng mga pasahero lalo sa graveyard shift ng airport. Parang mga asong gutom daw ang mga tulisan diyan ngayon na hinahabol ang pagkakataon habang walang legit na komisyoner ang bureau.

Diyan lang sa binuong grupo ng isang IO Bondying na kawangis ni Baby Dinosaur aka Vicenteng Aligaga, at ng kanyang tropang ang diskarte ay “pass now, pay later” sa NAIA Terminal 1. Panay raw ang bira ng kanyang mga alipores nang walang habas lalo pa at alam ng mga ito na bilang na ang sandali ng kanilang amo. Kulang pa ba ang entrega sa kanya ng designated bagman at jowa nito na sina CL at ML o ni Cuentong Lulong at Marinera Lashenggera? SOJ Boying at OIC Viado, dedma lang ba kayo sa nangyayari? Baka umabot pa ito sa Senado, siguradong trending na naman ang litanya ni Madam Risa.

Sa totoo lang sobra-sobra ang binigay na power ni Tansingco sa kanyang protégé’ kuno ngunit hindi niya inakala na ito rin ang naging daan upang siya ay maligwak sa pwesto. Well, karma is real. Imagine, lahat na lang sa airport ay pinakialaman nito mula sa offloading and exclusions, pagpapastol ng mga pasahero, schedule ng IOs sa airport, pati pagpapa-tapon sa Bicutan ng kanilang mga kalaban. Hindi lang hugot sa boarding gate kundi pati pag-dive ay kinarir na rin ng mga hindoropot. Aba, maluluma sina MJ at LBJ sa pagiging all-around nito! Hindi malayo na ito na ang napipintong GOAT sa airport o ang Greatest Of All Tiradors! Juskupo!

Kaya tingnan nyo naman ang resulta. Namumukadkad ang sebo nila sa katawan ng kanyang ka-tandem sa kalokohan na si Aldin Bobita na paikot-ikot lang sa mga opisina sa gusali ng Magallanes Drive, dala-dala ang ga-toneladang hangin sa katawan! O baka naman naghahanap lang ito ng masustansiyang darak? Hahaha!

Sa terminal heads naman sa airport, papayag ba kayo na sapawan sa power nitong si Baby Bondying Dinosaur? Sayang naman ang mga posisyon n’yo kung dito lang sa isang ito ay tiklop na kayo. Unless pati kayo ay kasabwat sa money making activities gaya ni DK o ni Dong Kumar na kunwari ay wala ring alam pero sa totoo lang ay kasabwat pala!

Ay Inang!!

(Ang mga ipinapahayag sa kolum na ito ay sariling opinyon ng sumulat at hindi saloobin ng pahayagang SAKSI Ngayon – Patnugot)

155

Related posts

Leave a Comment