RAMON TULFO NILINAW ANG KONEKSYON SA 1NATURALEZA

RAPIDO NI PATRICK TULFO

NAGLABAS na nga noong Lunes ang aking ama na si Ramon Tulfo ng kanyang pahayag tungkol sa pagbitiw niya bilang CEO (Chief Executive Officer) ng kumpanyang 1Naturaleza at RTT Cargo sa ilalim ng Dragonbel8 Corporation na pagmamay-ari ni Maribel Galindez.

Ayon sa post ng aking ama, umalis na siya bilang kapartner ni Galindez dahil hindi sila magkasundo sa pagpapalakad ng negosyo, kasama na ang networking business.

Sinabi niyang mahirap magnegosyo nang hindi mo alam ang negosyong pinapasok mo dahil lolokohin at aabusuhin ka lang ng iyong kapartner.

Sa nangyari sa kanilang partnership ni Galindez, marami syang nadiskubreng hindi sang-ayon sa kanyang hangarin bilang public servant.

Ilan lang dito ang pagpapa-raffle ng 10 motorsiklo at 10 libreng trip to Dubai, UAE kung saan nadiskubre niya na wala naman palang motor at wala kahit isang plane ticket papuntang UAE. Marami rin ang problema sa payout ng mga miyembro.

Sabi nga ng akin ng aking ama, wala siyang alam sa operation ng negosyo dahil sumusunod lamang siya sa mga sinasabi at paliwanag ng beteranang networker at partner na si Galindez.

Aminado siya na kaya sumali ang mga member ay dahil sa kanya pero hindi umano niya sukat akalain na siya ay nagagamit lang din. Nais lang umano niyang tumulong sa mga kababayan niya na umunlad ang buhay sa pamamagitan ng pagnenegosyo, pero maging siya ay nadismaya sa naging takbo ng negosyo.

Nagbigay rin ng babala ang aking ama tungkol sa paggamit ng kanyang pangalan sa cargo business nila sa Dubai. Huwag na umanong gamitin ang kanyang pangalan para makapanghikayat ng mga magpapadala. Ito ay dahil na rin sa rami ng mga reklamo ng mga nagpadala na hindi pa natatanggap ng kanilang pamilya ang ipinadalang mga bagahe.

Maaari namang magnegosyo si Galindez ng cargo basta’t huwag na niyang gamitin ang pangalan ng aking ama, iyon e kung may magtitiwala pa sa kanya sa kabila ng samu’t saring reklamo laban sa kanya, bukod pa sa napakarami niyang kaso dito sa Pilipinas na may kaugnayan sa panlilinlang.

236

Related posts

Leave a Comment