RAPIDO ni PATRICK TULFO
ILANG araw na mula nang kami ay naglabas ng disclaimer patungkol sa kaugnayan ng inyong lingkod sa networking na 1Naturaleza na pagmamay-ari ni Maribel Galindez.
Ang aking ama na si Ramon Tulfo ang tumayong CEO ng kumpanyang itinayo ni Galindez. Kahit na CEO (Chief Executive Officer) nito ang aking ama ay wala naman akong kaugnayan o koneksyon sa negosyo na ito, kahit na i-check pa ang mga papel ng korporasyon nito.
Pansamantalang nag-opisina ang inyong lingkod sa Burgundy office, kung saan naroon din ang opisina ng 1Naturaleza. Mayroon ding mga nagpa-picture sa akin na miyembro ng naturang kumpanya dahil lumalapit sila kapag ako ay lumalabas.
Noong magsara na ang “Isumbong Mo kay Tulfo” at tuluyang nagretiro ang aking ama, pinakiusapan niya akong doon muna mag-opisina sa dati niyang opisina dahil wala namang gumagamit at marami pa rin ang pumupunta roon para humingi ng tulong.
Marami kasi kaming reklamong natanggap na hindi raw umano tutulungan ng Rapido ang mga lumalapit kung hindi sila magpapamiyembro sa 1Naturaleza. Agad naming sinabi sa nasabing nagreklamo ka hindi ganoon ang sistema ng aming public service at hindi kami konektado sa networking business na ‘yun.
Noong Martes ay nagbitiw na rin bilang CEO ang aking ama. Wala kaming kinalaman kung anoman ang kinakaharap nila, internally.
Nais ko lang linawin, once and for all, na kahit kailan ay hindi ako naging miyembro o naging parte ng (mga) negosyo ng aking ama lalo na ni Ms. Galindez na ngayon ay nasa Dubai sa United Arab Emirates.
296