REBISAHIN ANG 4PS

EARLY WARNING

Hindi maipagkakaila na malaking pakinabang ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) sa maraming mahihirap pero kailangan sigurong i-review ito dahil lumalabas na maraming beneficiaries nito ay hindi naman talaga dapat maisama.

Tulad na lang ng aking kaibigan na guro sa isang pribadong paaralan na 4Ps member at ang kanyang kasambahay ay mi­yembro rin. Dagdag pa n’ya marami sila at ganoon din ang kani-kanilang mga kasambahay ay bahagi rin ng programa.

May palakasan. Kung malapit ka halimbawa sa barangay chairman, kahit wala ka sa poor sector ay t’yak ubra ka rito.

Tama lang sigurong i-reevaluate ito, kaya lang ang tanong sinong gagawa nito?

MAHALAGA ANG GENDER-RESPONSIVE GOVERNANCE

Nangako si Quezon City Mayor-elect Joy Belmonte na ipagpapatuloy ang gender-responsive governance sa lungsod, o ang pagsulong ng mga batas at serbisyong sumusuporta sa gender and development (GAD) program at sa paglaban sa diskriminasyon sa mga miyembro ng lesbian, gay, bisexual and transgender (LGBT).

“When we say we are proud and that we respect the members of the LGBT community, it shouldn’t end with this month or with the upcoming Pride March. It’s an ongoing commitment to create programs and implement laws that support the cause,” aniya.

Ang QC ay ang unang local government na nagpasa ng ordinansang layong protektahan ang karapatan ng mga miyembro ng LGBT sa mga paaralan, opisina, at sa anumang institusyon o establisimiyento.

Sa ilalim ng batas na ito, isinusulong ng lokal na pamahalaan ang gender-sensitivity training, paglaganap ng impormas­yon laban sa diskriminasyon, pagsagawa ng mga pagdiriwang na sumusuporta sa LGBT, at iba pa.

EDUKASYON PA RIN ANG ISA SA PRAYORIDAD

Sadyang napakahalaga sa magkapatid na sina Navotas City Mayor John Rey Tiangco at Rep. Toby Tiangco ang edukasyon lalo na ‘yung nasa poor sector. Sinisiguro nila na may sapat na pondo para sa mga programa tulad ng scholarships.

Kamakailan lang ay 20 classrooms na naman ang naidag­dag sa Dagat-dagatan Elementary School at Tanza Elementary School na pinasinayaan mismo ng magkapatid.

Magsi-switch position na ang magkapatid. By July 1, si Rep. Toby ay muling magiging Ama ng Lungsod habang si Mayor JRT naman ang magiging Kinatawan sa Kongreso. (Early Warning / ARLIE O. CALALO)

139

Related posts

Leave a Comment