REP. BRIAN RAYMUND YAMSUAN KATUWANG NI HOUSE SPEAKER ROMUALDEZ SA PUBLIC SERVICE

TARGET NI KA REX CAYANONG

KUNTENTO at nasisiyahan ang mayorya ng Kongreso sa pamumuno ni House Speaker Martin Romualdez.

Super sipag kasi ng mama.

Talagang ginagawa ang lahat para sa kanyang nasasakupan. Hanga rin ang publiko sa mga ginagawa niya, partikular sa paghahabol sa hinihinalang mga ismagler.

Aba’y nais nga raw kasi ni Romualdez na paigtingin pa ang pagtugis sa mga hoarder at smuggler ng agricultural products sa bansa, lalo na ng bawang at sibuyas.

Tama nga naman ito. Sinasabing epektibo nga naman ang ginagawang raid ng mga law enforcement agency sa mga warehouse at container van na pinaniniwalaang naglalaman ng mga puslit na produkto. Natuklasan na itinatago lang ng mga “tusong” negosyante ang mga agri product.

Sa ganitong paraan, namamanipula nila ang presyo. Dahil sa pagpupursigi ni Romualdez at ilang kinauukulang ahensya, dahan-dahan nang bumababa ang halaga ng mga produktong agrikultural.

Nakalalabas na naman kasi sa merkado. Muling binalaan ni Speaker Romualdez ang mga ‘evil hoarder’. Dapat daw itigil na ang kanilang ginagawang pagpapahirap sa taumbayan na siyang dahilan ng pagtaas sa presyo ng mga bilihin.

Isa sa mga katuwang ni Romualdez sa Kamara ay si Rep. Brian Raymund Yamsuan na isa ring mahusay na lingkod bayan.

Noong ika-22 ng Pebrero 2023, nangyari ang oathtaking sa plenaryo ni Yamsuan kay House Speaker Romualdez bilang bagong kinatawan ng Bicol Saro Party-list. Kung hindi ako nagkakamali, aba’y pinalitan ni Yamsuan si Nicolas Enciso VIII na tinanggal sa Bicol Saro ngayong buwan lang din.

Kung maaalala, si Yamsuan ay nagsilbi noon bilang Deputy Secretary General ng Kamara sa panahon ni dating House Speaker at ngayo’y Sen. Alan Peter Cayetano. Kasalukuyan ding Secretary General ng National Unity Party (NUP) si Yamsuan.

Ngayon, nadagdagan na naman ang mga kaalyado ni Speaker Romualdez. Nakatitiyak tayo na nasa tamang kamay ang Bicol Saro. Mabuhay po kayo, mga bossing, at God bless!

49

Related posts

Leave a Comment