NANANAWAGAN ang Yakap ng Magulang Movement sa mga magulang at kabataan na ‘wag iboto si Leni Robredo sa darating na May 9, 2022 national and local elections sa pagka-pangulo dahil sa pakikipag-alyansa nito sa teroristang/komunistang grupong CPP-NPA-NDF.
Ayon kay Relissa Lucena, presidente ng Yakap ng Magulang Movement, hindi maganda ang ginawa ni Robredo na pakikipag-alyansa sa CPP-NPA-NDF dahil kalaban ito ng gobyerno.
Anya, isang patunay na niyakap ni Robredo ang mga terorista/kumunista ay dahil kasama niya sa kanyang ticket si dating Makabayan Bloc Congressman Neri Colmenares na umano’y kakampi ng CPP-NPA-NDF.
Tasahan ding sinabi ni Lucena na ang ginagawa ngayon nina Robredo at Colmenares ay pagre-recruit ng mga kabataan para sumama sa kanilang political rallies at labanan ang gobyerno.
Tsk! Tsk! Tsk! Ganyan ba ang gusto niyong ibotong presidente na siya mismo ang pinagmumulan ng mga kaguluhan sa ating bansa?
Ayon pa kay Lucena, perwisyo ang nasabing grupo sa tulad niyang magulang na nawalan ng anak matapos sumama sa mga terorista/komunista na pumapatay ng mga sundalo ng gobyerno, ordinaryong mamamayan, nanggagahasa ng mga kabataang kababaihan, at nangingikil sa mga Pilipino.
Ayon pa sa ginang, kung mananalo si Robredo bilang pangulo ng bansa ay mababalewala ang nasimulang proyekto ni Pangulong Rodrigo Duterte, ang National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) para maubos ang salot na mga terorista/komunista.
Sinang-ayunan din ni Arlene Escalente, secretary/spokesperson League of Parents of the Philippines, ang panawagan ni Ginang Lucena.
“Madam Leni, the fact that you’re with Makabayan Bloc, Colmenares on stage, only means that you’re in partnership with CPP-NPA-NDF. Madam if you are really pro-human rights, pro-family, pro-children, pro-women’s rights, dapat hindi mo kasama sa rallies mo ang mga kakampi, miyembro at opisyales ng CPP-NPA-NDF, dahil sila ay mga terorista/komunista,” ani Escalente.
Sinabi pa niya na ang CPP-NPA-NDF ang nagre-recruit ng mga kabataan para mamundok upang labanan ang gobyerno, gahasain ang mga kababaihan at patayin ang mga Pilipino na ayaw sa kanila.
Nauna nang umapela si Pangulong Duterte sa taumbayan na ‘wag iboto ang KABAG o Kabataan-K, Anakpawis-A, Bayan Muna-B, Alliance of Concerned Teachers-A, at Gabriela-G dahil ang mga ito ang front ng Communist Party of the Philippines (CPP) sa Kongreso.
Hindi lang sila sa sakit sa tiyan, kundi sakit din sila sa lipunan dahil ang kanilang mga gawain ay labag sa batas ng tao at Panginoon.
Sa nakalap na impormasyon ng PUNA, kaya umano nakipag-alyansa si Robredo sa CPP-NPA-NDF ay para mawala ang mga boto ni dating Senador Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., (BBM) sa mga lugar na malakas ang puwersa ng nasabing mga teroristang/komunistang grupo.
Aagawin ng armadong grupong ito sa araw ng eleksyon, ang ballot boxes sa mga lugar na alam nilang malakas si BBM para hindi ito mabilang pabor sa kanya.
Kabilang sa mga kilalang malakas ang pwersa ng CPP-NPA-NDF ang mga lugar ng Cordillera Region, ilang bahagi ng Region 3, Oriental at Occidental Mindoro, Quezon, Bicol, Samar Islands, Leyte at Surigao del Norte at Sur at ilang bahagi ng Mindanao.
Ang mga lugar na ito ay kilalang malakas na mga balwarte ni BBM.
Isa rin sa dahilan kaya nakipag-alyansa si Robredo sa CPP-NPA-NDF ay nang madismaya sa lumalabas na mga survey na hindi man lang siya nangangalahati sa ratings ni BBM.
Base sa pagtaya ng Pulse Asia, posibleng umabot ng 36 million ang boto ni BBM at tatambakan ng 19.5 million boto si Robredo.
Sa darating na eleksyon, si BBM ang magiging kauna-unahang “majority president” sa kasaysayan ng bansa sa ilalim ng multi-party setup matapos na mapanatili ang kanyang kalamangan sa kanyang mga katunggali.
oOo
Para sa suhestiyon at reaksyon, mag-email sa joel2amongo@yahoo.com o mag-text sa cell# 0919-259-59-07.
117