BISTADOR ni RUDY SIM
LALONG lumakas ang ugong ng talamak na katiwalian sa pamahalaan nang binanatan ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ang liderato ni House Speaker Martin Romualdez sa tila legal umanong korupsyon na nangyayari sa Kongreso, na dapat ipaliwanag sa taumbayan kung saan ginasta ang pondo ng Kamara.
Tameme at tila bahag ang buntot ni Romualdez para sagutin ang mga banat sa kanya ni Digong na tinawag ang Kamara na pinaka-korap na sangay ng pamahalaan.
Tila nag-ugat at nag-trigger sa dating Pangulong Digong upang ito ay muling lumabas sa publiko para depensahan ang kanyang anak na si Vice President Inday Sara Duterte, ang maagang paninira sa huli sa isyu ng intelligence fund.
Hindi lamang ang katiwalian sa Kongreso ang dapat tingnan kundi maging ang talamak na pang-aabuso sa kapangyarihan ng mga inilagay sa ilang mga ahensya ng pamahalaan na kilala pagdating sa korupsyon.
Ang pagiging malapit sa kusina ng isang makapangyarihang opisyal ng pamahalaan kaya busog ito sa salaping nagmula sa “TARA” sa ilang malalaking ahensya ng gobyerno, kaya’t ang mga inilagay sa iba’t ibang puwesto ay malakas ang loob at kampante na mananatili sa puwesto.
Maraming beses nang nagahasa, isa na ang Bureau of Immigration (BI), na sa tuwing magpapalit ng administrasyon ay laging target ito kung paano magpayaman sa sarili ang ilang mga opisyal, at ang laging biktima ay ang mga dayuhan na pagdating pa lamang sa bansa at pagproseso sa kanilang mga dokumento at visa ay pinipiga na ang kanilang katas.
Kabilang na rito ang libo-libong mga dayuhang inilagay sa blacklist ng ahensya partikular ang Chinese nationals na nagtatrabaho sa POGO. Hindi madali sa kanila ang magpa-lift ng kanilang blacklist, ngunit kung “The price is right” o kaya ay bagyo ang nagrekomenda, ay umuulan ng salapi sa tanggapan ng isang makapangyarihang opisyal dito.
Sino ba itong binansagang “SILIDONYO KATINDIG” ng BI, at kanyang bayaw na si “ALIAS TABA” na nasa likod ng panghoholdap sa mga dayuhan? Kanino kaya sila nagbibigay ng Tara? ABANGAN!!
161