ROXAS FAMILY NAMAHAGI NG CASH GIFT SA MGA TAGA-PANIQUI, TARLAC

SABONG ON AIR Ni KA REX CAYANONG

TULOY-TULOY ang iba’t ibang mga programa at proyekto ni Mayor Max Roxas at ng kanyang pamilya sa Paniqui, Tarlac.

Nagsagawa naman ng public party sa bagong-bago at napakagandang Balaoang Public Auditorium sa Barangay Balaoang bilang pagsalubong sa taong 2023.

“Ang lahat ay welcome dito para magsaya,” wika ni Mayor Max.

Nagpalitson daw pala sila ng limang malalaking baka. Bumaha rin ng mga pagkain at alak.

Hindi rin mawawala ang mga banda na tumugtog at nagkantahan kaya’t halos walang tigil ang sayawan at kasiyahan ng mga tao.

Ang nais lang daw nina Mayor Max, Vice mayor Bien at ni Kuya Bebot Roxas na salubungin ng kanilang mga kababayan sa Paniqui ang masaganang taon.

“Mula po sa aming buong pamilya Roxas sa pangunguna ng aming uncle Bebot Roxas at aking ama na si Mayor Max, binabati po namin kayo ng Masaganang Bagong Taon na puno ng kaligayahan, pag-ibig, kalusugan, at kapayapaan,” sabi naman ni Vice-Mayor Bien.

Bago ito, nagpaulan ng cash gift ang Roxas Family sa Eduardo Cojuangco Jr. Gymnasium. Akala raw ng iba ay manonood lang ng basketball ang mga tao. Aba, ‘yun pala’y tumanggap ang mga ito ng cash gift.

Gusto ng pamilya na may pang-media noche ang kanilang nasasakupan. Kung hindi ako nagkakamali, aba’y tinatayang 13,000 residente ang tumanggap ng cash gift sa gymnasium.

“Hindi sa ano pa mang dahilan kung hindi ang ipagpatuloy ng kanyang Uncle Bebot, Mayor Max at silang magpipinsan ang tradition sinimulan ni Mang Gusting Roxas ang taon-taong pamimigay ng cash gift sa tao,” pahayag naman ng mamamahayag na si Homer Teodoro.

“Ang iba kasi (dahil siguro sa inggit) ay hindi happy sa ginagawang ito ng Roxas Family kaya pakiusap ni Vice mayor Bien na sana ay maging masaya sila para sa mga taong nabibigyan ng biyaya.”

Well, kitang-kita sa mga tao ang labis na kasiyahan kahit kaunting halaga lang daw iyon.

Sabi nga, “it is not the amount but the spirit of sharing one’s blessing that matters is more valuable.”

Naku, matagal na palang tradisyon iyan na ipinagpapatuloy lang hanggang ngayon ng pamilya.

Nag-start nga raw ito kay Mang Gusting Roxas hanggang sa ipinagpatuloy na ito ng kanyang mga anak at mga apo, sa pangunguna nina Kuya Bebot, Mayor Max, VM Bien, Kat, Ivy, at iba pa.

Taon-taon ay ginagawa ito ng Roxas Family dahil sila ay walang ibang hangad sa kanilang ginagawa sa bayan ng Paniqui kundi ang mapasaya ang kanilang mga constituents.

Mabuhay po kayo, mga bossing, at God bless.

Happy New Year po sa ating lahat!

25

Related posts

Leave a Comment