SA AWA KAY PRRD, GO AATRAS? WOW HA!

NAAAWA raw si Sen. Lawrence “Bong” Go kay Pangulong Rodrigo Duterte kaya iaatras niya ang kanyang kandidatura sa pagka-presidente?

Hindi na po naniniwala ang taumbayan sa mga ganitong style.

Ang tinutukoy po natin ay ang miting na ipinatawag ni Pangulong Rodrigo sa Palasyo ng Malakanyang kamakalawa ng gabi.

Ito ang sinabi ni Gov. Manuel Mamba ng ­Cagayan sa interview sa kanya ng Bombo Radio Tuguegarao kahapon.

Ayon kay Gov. Mamba, ang alam niya kaya sila ipinatawag ni Sen. Bong Go para hingin ang kanilang suporta sa kanyang kandidatura.

Kabilang daw sa mga ipinatawag nina Pangulong Duterte at Bong Go ay mga governor at ilang cabinet secretary.
Sa harapan nila ay sinabi ni Sen. Bong Go na aatras na siya sa pagtakbo sa pagka-presidente.

Ayon kay Gov. Mamba, naaawa raw si Sen. Bong Go kay Pangulong Duterte dahil naiipit siya sa pagtakbo ni Inday Sara sa vice president na ka-tandem ni dating Sen. Bongbong Marcos (BBM).

Sinabi ni Go na kaya lang daw siya tumakbo sa pagka-presidente dahil siya ang inendorso ng partido ng Pederalismo ng Dugong Dakilang Samahan (PDDS) at ni Pangulong Duterte. Sa miting na ‘yun na ipinatawag ay inamin ni Sen. Go na nahihirapan siya dahil hindi naman daw siya handa sa pagtakbo ng presidente.
Nauna nang inatras ni Sen. Bong Go ang kanyang pagtakbo sa vice president noong Nov. 15 deadline ng substitution sa mga tumatakbo.
Magkakasama sina Sen. Ronald “Bato” Dela Rosa, Pangulong Duterte at Bong Go sa kanilang pag-atras sa pagtakbong president at vice president.
Si Go ay inatras niya ang kanyang pagtakbo sa vice president, subalit umakyat naman siya sa pagka-­presidente.
Sinundan pa ng patutsada ni Pangulong Duterte na may presidentiable na mayaman at kilala ang mga magulang na gumagamit ng cocaine.
Maging ang disqualification cases at cancellation ng Certificate of Candidacy (COC) ay lalong naungkat sa pagtakbo ni Sen. Bong Go.
May mga komento na kaya pinatakbo ni Pangulong Duterte at nang PDDS party si Go ay para kung sakaling madi-disqualify si BBM ay tuluyang magka-tandem ang GO-SARA.
Kaya naman may isyung lumabas na may nilulutong Go-Sara tandem, subalit hindi ito kinagat ng taumbayan.
Sa halip ay lalo pang lumakas ang suporta nila kay BBM.
Sa ganang, akin kung sakaling tumuloy sa pagtakbo si Bong Go sa pagka-presidente ay hindi rin siya makakaapekto sa lakas ng hatak ni BBM sa taumbayan.
Base sa mga lumalabas na totoong survey, kahit pa pagsamahin ang boto nina Leni Robredo at Bong Go ay hindi sila makakahabol sa lalo pang pagdami ng mga sumusuporta kay BBM mula sa mga Pilipino.
Dati nang inasahan na ang supporters ng administrasyon at BBM ay iisa lang ang pagmumulan.
Nagkakamali ang mga nagsasabi nito dahil ma­tagal nang may Marcos ­loyalists, nadagdagan lamang ito, marami ang ­naglipatan kay BBM mula sa kampo ng administrasyon.
Ito ay dahil sa pagkadismaya nila sa hindi pagkakaunawaan ng mga opisyales ng PDP-LABAN na partido ng administrasyon.
Sa katunayan ang PDP-LABAN Sec. Alfonso Cusi group ay walang official candidate sa pagka-presidente at vice president.
Ay naku! Hindi na naniniwala ang taumbayan sa mga gimik ng mga politiko, gusto na natin ng kabuhayan dahil sa tindi ng tama sa atin ng COVID-19.
Ito lang ang masasabi ko, “DU30 NOON, BBM NGAYON!”
oOo
Para sa suhestiyon at reaksyon mag-email sa joel2amongo@yahoo.com o mag-text sa cell# 0919-259-59-07.

2

Related posts

Leave a Comment