SA SUBIC FREEPORT: “STUPID” DAW ANG “SCHOOL” SABI NG DAYUHAN

ITO ANG TOTOO NI VIC V. VIZCOCHO, JR.

TINAWAG na “stupid” ng isang dayuhang residente ng Subic Bay Freeport ang mga paaralan sa Kalayaan Housing dahil lamang sa nagkabuhol-buhol ang daloy ng mga sasakyan sa tapat nito sa unang araw ng “face-to-face” classes nitong ­nakaraang Linggo.

Ito Ang Totoo: Dalawang magkatabing paaralan, ang Special Education Center for the Gifted (SPEDG) na ­elementarya at Regional ­Science High School (RSHS), ang nasa “area,” kapwa kilala sa kalidad na edukasyon para sa mga mag-aaral.

Kung tutuusin, pwede ­naman maiwasan ang ­”vehicular traffic” pero mukhang dahil sa dalawang taon ding walang “face-to-face classes,” hindi inasahan at napaghandaan ang epekto ng bugso ng daloy ng mga ­sasakyan sa Finback St., ­Kalayaan sa loob ng Freeport.

Gayunman, ang naturang daan ay paikot at maaaring iwasan ng mga nagmamadali, konting dagdag na distansya lang.

Pero itong babaeng dayuhan, parang asong ulol na ­nanggalaiti sa galit dahil sa “traffic” at nag-post nga sa “social media” ng mga larawan ng sasakyan na bahagi ng ­”caption” ay “look at that crazy traffic because of that stupid school.”

Ito Ang Totoo: Nasaktan ang mga magulang, guro at iba pang Pinoy sa komunidad dahil ang SPEDG at RSHS ay pinanggalingan na ng mga nagsipagtapos ng pag-aaral at matagumpay na pumalaot sa kani-kanilang larangan sa lipunan.

Ito kasing dayuhan ay sanay mag-ingay sa social ­media, kasama ang ilang Pinoy na asawa rin ng mga ­dayuhan ­(paglilinaw: hindi lahat ng asawa ng dayuhan sa Subic ay kagaya nila).

Sila iyong kumontra sa “power plant” na dahil “coal-fired” ay marumi raw pero ang existing “diesel power plant” na patuloy na nagbubuga ng maitim na usok sa dapat sana’y sariwang hangin ng Subic, ay hindi nila pansin.

Ito Ang Totoo: Tama naman na ang daloy ng mga sasakyan ay dapat tinitiyak na ­mananatiling maayos kahit na ano pa ang aktibidad.

Pero hindi tama na tawaging “stupid” ang paaralan dahil lang sa pansariling kapakanan na naabala, hindi naman permanente kundi pansamantala.

16

Related posts

Leave a Comment