PAGBUO NG ISANG INDEPENDENT REGULATOR NA TUTUTOK SA E-SABONG, ISINUSULONG SABONG ON AIR Ni KA REX CAYANONG

MAHIGIT dalawang taon na mula nang maitala ang unang kaso ng COVID-19 sa Pilipinas.

Talagang mahabang panahon na nagkaroon ng lockdown dahil naging libo-libo ang mga kaso.

Ngunit sa kabila nito, nakakaraos pa rin ang gobyerno at mas maluwag na ngayon ang restrictions.

Sapul nang tumama ang pandemya, marami ang nasawi.
Marami rin namang nakarekober.

Bukod sa Delta, nagkaroon din ng iba pang variants.

Mabuti na lamang at nariyan naman ang mga bayaning ­frontliners at iba pang sektor na nagiging inspirasyon natin sa gitna ng krisis.

Aba’y sa tinagal ng quarantine, nakita naman din ng lahat na hindi lang nakadepende sa mga frontliners ang ating pag-usad sa pandemya.

Sabi nga sa Ingles, “It takes a village.”

Nangangahulugan na hindi lang iisang sektor ang dapat kumilos.
Nandiyan dapat ang bayanihan.

Sa halip na nagbabangayan, talagang dapat sa isang komunidad ay nagtutulungan.

Malaking bagay rin ang ginagawang pagtulong sa gobyerno ng ilang organisasyon at foundation tulad na lamang ng Pitmaster Foundation.

Ang foundation na ito ang charity arm ng Lucky Star Quest, Inc. at Pitmaster Live na nasa likod ng e-sabong operations.

Nawala kasi ang pisikal na sabong kaya nabuo ang e-sabong ni Boss Charlie “Atong” Ang.

Ngunit isinusulong ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) ang pag-regulate ng online game na ito.

Nais daw ni Chairman at Chief Executive Officer Andrea Domingo na magkaroon ng isang independent body na magre-regulate sa e-sabong operations sa bansa.

Ang e-sabong operations nga naman daw ay nag-aambag ng 8 hanggang 9 percent ng kabuuang kita ng ahensya.

Bunga naman daw ng mga kontrobersyang nakapalibot dito, nakakaapekto rin ito sa natitirang 90 percent.

Kaya mahalaga raw na mayroong isang independent body na magre-regulate sa e-sabong upang matutukan na nila ang kanilang mga dapat ayusin.

Well, para kay Domingo, magiging madali na rin daw sa kanila na ma-manage ng Anti-Money Laundering Council (AMLC) dahil mas magiging epektibo na ang responsible gaming policies.

Sa palagay ko, nanganga­ila­ngan ng batas para maisakatuparan ito.
Aminado naman kasi si Domingo na ang industriya ng e-sabong ay nag-aambag ng P650 milyon kada buwan sa ka­buuang kita ng PAGCOR.

Ganyan kalaki ang nakukuha ng gobyerno mula sa online sabong.
Naku, hindi pa kasama riyan ang mga tulong na ibinibigay ng Pitmaster sa mga local government units (LGUs) at iba pang mahihirap na sektor.

Namimigay rin ito ng libreng ambulansya, COVID kits, mga gamot, wheelchairs, at marami pang iba.

Ayon sa Pitmaster, nagpadala rin sila ng ayuda sa mga apektado ng bagyong Agaton sa Leyte.

“Barangay Kantagnos and Mailhi in Baybay, Leyte, were devastated when Typhoon Agaton hit the Philippines. The heavy rain resulted in a landslide in both barangays displacing hundreds of families from their homes. The communities were recommended to seek refuge elsewhere as these areas were still too dangerous to return to,” sabi ng foundation.

Ito raw ang dahilan kaya kagyat silang naghatid ng tulong sa mga apektadong residente roon.

“Our team immediately responded to the needs of the affected communities of both barangays. Through the efforts of our volunteers and the BGT Cares Foundation, we packed our donations in our headquarters and sent these to the affected families. In total, we have distributed over 3,000 food packs for
both Barangay Kantagnos and Mailhi,” pahayag pa ng grupo.

Maliban dito, nariyan din ang dialysis financial assistance ­program ng Pitmaster.

Upang makapag-apply, pumunta lamang sa kanilang website na “pitmasterfoundation.org” at buksan ang “Dialysis” page.

Siyempre, naroon din ang mga frequently asked questions ng kanilang programa upang magabayan kayo sa inyong ­aplikasyon.

Ganyan ang Pitmaster Foundation, handang tumulong sa mamamayang Pilipino.

113

Related posts

Leave a Comment