SALA SA INIT, SALA SA LAMIG Ni EDDIE ALINEA

NALUHA umano si San Miguel Beer coach Leo Austria nang pumayag siyang pakawalan si 14-year PBA veteran Arwind Santos para ipagpalit kay Vic Manuel, dating key player ng Alaska Aces.

“I cried when I made the decision to release Arwind,” pagtatapat ni coach Leo kay kumpare at kolumista ring si Al Mendoza.

Eh, sino nga naman ang hindi maiiyak na mapahiwalay sa manlalarong isa sa mga responsable sa walo sa siyam na kampeonato ng Beermen, kabilang ang limang sunod na Philippine Cup title mula 2014 hanggang 2019.

Bagama’t wala pang ­naipapanalong laro ang NorthPort, kung saan ibinenta si Arwind sa ‘di bi­nunyag na halaga bago simulan ang Governors’ Cup, maliwanag pa sa sikat ng araw na dehado ang SMBeer sa palitan. Maliban lang sa mas bata si Manuel, 34 anyos, kaysa kay Santos, 40.

Sa tatlong sunod na talo ng Batang Pier – 85-87 laban sa Aces, 120-115 vs NLEX Road Warriors, at 91-88 laban sa Beermen – nag-average si Santos ng 22 puntos, 8.7 rebounds, tatlong assists at apat na blocks. Kahanga-hangang performance na dapat sana’y napapakinabangan ngayon ng Beermen lalo’t ang papel ni Arwind ay bantayan ang import at bigs ng kalabang team.

Katunayan, ang apat na supalpal na nagawa ni Arwind laban sa Road Warriors ay nag-akyat sa kanya sa top 7 all-time shot blockers sa 46 taong liga propesyonal sa bansa at Asya. Kaya masasabing ang tubong Lubao, Pampanga na si Santos ang pangunahing manlalaro ng kanyang bagong koponan, higit sa mas matangkad sa kanyang si Greg Slaughter, kung pagbabasehan ang pagiging all-around player.

Sinasabing may daan-daang paraan para ipatalo ang isang team sport gaya ng basketball. Isa sa mga paraang ito ay ang mga reperi. Laban sa Beermen, sa unang dalawang quarter pa lamang ay apat na foul na agad ang itinawag ng mga opisyal laban kay Arwind, na nagbunsod kay NorthPort coach Pido Jarencio na ibangko siya sa buong third quarter.

Sa pangunguna ni Arwind at sa tulong nina Robert Bolick at Jamie Malonzo, nakuhang magrali ng Batang Pier mula sa kambal na 27-puntos na kalamangan ng Beermen, na naglarong wala si Alex Cabagnot at Chris Ross, kapwa Fil-Am at kabilang sa first five ng SMB.

Si Cabagnot, isa pang Beermen na ipinagpalit kasabay ni Santos, samantalang si Ross ay hindi pa nakababalik mula Amerika kung saan dumalo siya sa libing ng yumaong kapatid.

Sa kabila ng kawalan ng titulo sa nakaraang dalawang taon, ang San Miguel pa rin ang kinikilalang tagapagdala ng bandila ng tatlong prangkisa ng SMC kabilang ang Barangay Ginebra at Magnolia Pambansang Manok. Kaya nalungkot ang mga player at tagasunod ng koponan ni G. Ramon S. Ang o RSA sa naganap na balasahan ng Beermen sa panahong dapat ay makaganti sila sa

tangkang dominasyoin ng MVP (Manny V. Pangilinan) Group sa PBA.Isa sa mga dating teammate ni Santos, si six-time MVP June Mar Fajardo, ay bokal na nagpahayag ng pagkabahala para sa Beermen kasabay ang paghanga sa kanyang matalik na kaibigang si A

rwind, sa magandang laro nito sa kanyang bagong team. Sa nakaraang panalo ng SMBeer laban sa NorthPort, ang 32-anyos na higante mula Cebu ay nakapagtala ng 15 puntos at 7 rebounds, na

malayo sa 23-11 stats ng kaibigan. Gayunpaman, masaya si June Mar para sa katoto niyang nagturo sa kanya noong bago pa lamang siya sa SMB.

“Masaya ako at nakalaro ko siya. Mahaba rin naman yung pinagsamahan namin,” pahayag ni June Mar sa PBA media. “Maganda yung fit niya sa NorthPort. Kaya masaya ako para sa kanya.”

Sabi pa ng Beermen big, pabirong binalaan siya ni Arwind na susupalpalin sa oras na magkaharap sila. Na nagawa naman ni Santos. Kaya lang…”Pinoul niya ako eh, kaya nabalewala ang blangka

niya sa akin,” nangingiting wika pa ni June Mar.

2

Related posts

Leave a Comment